Bauan MPA, Isa sa 2021 Outstanding Locally-Managed Marine Protected Areas sa Pilipinas

Conservation Fee Scheme ng Mabini at Tingloy, Ibinahagi sa Online Training-workshop
September 26, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF 384 POLYMERASE CHAIN REACTION (PCR) TEST KIT FOR AFRICAN SWINE FEVER (ASF) INCLUDING ASFV PREMIX REAGENT AND CARTRIDGE SET
September 29, 2021

September 26, 2021

Kinilala at pinarangalan kamakailan ang San Pablo de Bauan Marine Protected Area sa Bayan ng Bauan bilang 2nd runner up sa Outstanding Locally-Managed Marine Protected Areas sa buong Pilipinas sa ginanap na 2021 Para El Mar Awards and Recognitions ng Marine Protected Areas (MPA) Support Network (MSN).

Ang San Pablo de Bauan MPA ay bahagi ng Balayan Bay sa baybayin ng Lalawigan ng Batangas, na may kabuuang sukat na 240.82 hectares. Magkatulong itong pinamamahalaan at pinangangalagaan ng Management Board, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bauan, katuwang ang samahan ng mga resort owners, divers, mangingisda, Bantay Dagat, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council at mga mamamayan.

Kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), sa pagbibigay ng patnubay dito upang mapanatili ang isang malinis, maayos at masaganang karagatan sa buong lalawigan.

Ayon sa PGENRO, ang pagkilala ay bunga ng sama-samang pagsisikap, sa kabila ng pandemya, upang mapangalagaan at maprotektahan ang kapaligiran at kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

PGENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.