Libreng Artificial Leg sa Batangueño PWDs. Kinausap nina Batangas Province Persons with Disabilities (PWD) Affairs Office Head Edwin Abellardo (nasa wheelchair sa kanan), Batangas Province PWD Federation President Nelson Adante (naka dilaw na shirt) at Prosthesis and Brace Center manager Fernando Santos (naka-wheelchair sa gitna) ang sampung PWDs mula sa Batangas Province na sumailalim sa assessment and measurement para sa libreng artificial leg. Ang pagsusukat (inset) at pagpapagawa ng artificial legs ay handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng PSWDO - PDAO, Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) at isang non-government organization na ginanap noong ika-27 ng Hunyo 2018 sa PDAO Conference Room, Capitol Site, Batangas City. Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
June 27, 2018
Libreng Artificial Leg sa Batangueño PWDs. Kinausap nina Batangas Province Persons with Disabilities (PWD) Affairs Office Head Edwin Abellardo (nasa wheelchair sa kanan), Batangas Province PWD Federation President Nelson Adante (naka dilaw na shirt) at Prosthesis and Brace Center manager Fernando Santos (naka-wheelchair sa gitna) ang sampung PWDs mula sa Batangas Province na sumailalim sa assessment and measurement para sa libreng artificial leg. Ang pagsusukat (inset) at pagpapagawa ng artificial legs ay handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng PSWDO – PDAO, Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) at isang non-government organization na ginanap noong ika-27 ng Hunyo 2018 sa PDAO Conference Room, Capitol Site, Batangas City. Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
Sampung Persons with Disability (PWD) mula sa Batangas Province ang sumailalim sa assessment and measurement para sa libreng artificial leg na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office – Persons with Disabilty Affairs Office (PSWDO – PDAO), kaakibat ang Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) at isang non-government organization (NGO) na nakabase sa Tahanang Walang Hagdan sa Cainta Rizal. Ginanap ang nasabing aktibidad noong ika-27 ng Hunyo 2018 sa PDAO Conference Room, Capitol Site, Batangas City.
Pinangunahan ni PDAO Head Edwin Abellardo at PBF Prostheses and Braces Center Manager Fernando Santos katulong ang ilang kawani ng PSWDO – PDAO ang assesment at pagsusukat sa mga PWD para sa kanilang artificial leg.
Ang Lalawigan ng Batangas ang ika-41 na lalawigang pinuntahan ng nasabing Prosthesis and Braces Center para mamahagi ng mga mobility devices para sa mga PWDs. Ito ang unang pagkakataon na nakarating ang PBF upang magbigay tulong sa mga PWDs ng Batangas bagamat may ilang Batangueño na rin PWDs na ang lumalapit sa kanilang tanggapan sa Rizal.
Ayon kay Batangas Province PWD Federation President Nelson Adante, malaking tulong para sa mga PWDs ang ganitong mga gawain upang mas maging produktibo ang mga ito.
“Ako’y natutuwa na ang aking kapwa may kapansanan ay nabibigyan ng pag-asa,” dagdag niya.
Samantala, ayon kay PDAO Head Edwin Abellardo, hindi lamang ito ang huling aktibidad para sa mga PWDs na magaganap sa lalawigan. Nasa plano din ng PDAO ang pagbibigay ng mga prosthetic hands at wheelchair para sa ibang PWDs na nangangailangan. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO