Galing ng Batangueño. Kasama si Gov. DoDo Mandanas, numero uno ang mga Batangueño sa 2019 Mechanical Engineering Examination, sa pangunguna nina (mula kaliwa) Engr. Jayson D. Perez, Board Exam topnotcher; Engr. Patrick D. Rivera, Top 7; at, Engr. Jerwin F. Mendoza, Top 6, na pawang mga estudyante ng University of Batangas. Photo by: Jhayjhay Pascua – Batangas Capitol PIO
March 11, 2019

Muling binigyang parangal ang angking galing ng mga kabataang Batangueño nang kilalanin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang apat na estudyante na nakapasok sa Top 10 ng 2019 Mechanical Engineering Examination sa Provincial Auditorium, Batangas City noong ika-11 ng Marso 2019.
Mula sa University of Batangas, sina Engr. Jayson D. Perez, na nakakuha ng score na 92.40% ang naging Board Exam topnotcher; habang sina Engr. Jerwin F. Mendoza, na nakakuha ng 90.30%, ang pang-anim, at si Engr. Patrick D. Rivera, na nagtala ng gradong 90.25%, ang pam-pito. Si Engr. Angelo A. Imbo ng Batangas State University, na may gradong 89.60%, ang 10th placer.
Ang 2019 Mechanical Engineering Examination ay isinagawa noong ika-24 at 25 ng Perbrero 2019, kung saan 1,538, mula sa 3,046 na kumuha ng pagsusulit, ang pumasa. Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO