Batangueño, Isa sa Best Lawyers sa America

Notice of Vacant Positions
August 25, 2017
Livelihood Trainings, Hatid ng Kapitolyo sa mga Batangueño
August 30, 2017

Batangueño, Best Lawyer sa America. Iginawad ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang Certificate of Recognition upang parangalan si Atty. Gary John Ilagan na kinilala bilang isa sa 2017-2018 Best Lawyers in America sa Provincial Auditorium, Batangas City noong ika-29 ng Agosto 2017. Ang immigration lawyer na tubong Brgy. Rizal, Bauan ay kinatawan ng kanyang mga magulang na sina Emiliano Ilagan, isang retired Certified Public Accountant, at Lolita Ilagan, na isang retired nurse. Kasama sa larawan sina 5th District BM Claudette Ambida Alday, Prov. Admin. Levi Dimaunahan at Provincial Legal Officer Cesar Castor. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Binigyang-pugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tubong Bauan, Batangas at ngayon ay base sa Houston, Texas, USA na si Atty. Gary John Ilagan, na kinilala bilang isa sa mga 2018 Best Lawyers in America noong ika-29 ng Agosto 2017 sa Provincial Auditorium, Batangas City.

Bukod dito, nahirang din si Ilagan na Lawyer of the Year sa larangan ng immigration practice sa Metropolitan Houston.

Ang Best Lawyers in America ay isang publication na nagsimula noong 1983 at kilala bilang pinaka-maaasahan at walang pinapanigang mapagkukunan ng talaan ng mahuhusay na abugado sa Estados Unidos.  Peer-nominated ang mga napapasama sa nabibigyan ng titulo dito o ang mga abugado ay ibinoboto ng kanilang mga kapwa abugado.  Ang tanong sa mga bumoboto o namimiling mga attorneys ay kung hindi nila maaaring hawakan ang isang kaso, kanino nila ito pahahawakan.  Sa pamamagitan nito, makikitang ang mga nabibigyan ng pagkilala ay mahuhusay at respetado maging ng kanilang mga kapwa legal practitioners.

Si Atty. Ilagan, na bahagi ng Munsch Hardt Kopf and Harr law firm sa Texas, USA, ay ginawaran ng Certificate of Recognition ng provincial government sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas. Kinatawan siya ng kanyang mga magulang na sina Emiliano Ilagan, isang retired Certified Public Accountant, at Lolita Ilagan, na isang retired nurse.  Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.