Batangas PSWDO, kinilalang “most active, most responsive” ng DSWD-CALABARZON

Dating Japan Prime Minister, Gov. DoDo Ginunita ang Kabayanihan ng mga Batangueño noong WW2
February 16, 2023
Invitation to Bid – Goods
February 17, 2023

February 16, 2023

Ibinahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kay Batangas Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ang Plake ng Pagkilala sa pagkakahirang nito bilang “Most Active and Most Responsive Provincial Social Welfare and Development Office in the Implementation of Social Welfare and Development Laws” at “Level III – Improved Service Delivery” na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development IV-A noong ika-13 ng Pebrero 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ang parangal ay iginagawad ng kagawaran sa mga natatanging institusyon at tanggapan ng Social Welfare and Development na tumatalima sa mga ordinansa at panukala ng DSWD, kaugnay ng mga programang pangkagalingan at pagpapaunlad ng pamahalaang nasyunal.

Patuloy ang Batangas PSWDO sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko para sa mga Batangueño, at kinikilala nito ang pangangailangan ng bawat indibidwal na lumalapit sa kanilang tanggapan.

Ilan sa mga natatanging serbisyo at programa ng PSWDO ay ang Emergency Assistance Services, kung saan pumapaloob ang programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) at Emergency Response and Rehabilitation.

Nariyan din ang kanilang serbisyo-sektoral kung saan kabilang ang mga proyekto para sa Gender and Development, Migration Program, Early Childhood Care and Development (ECCD) at Out of School Youth (OSY), at mga pagpapalakas sa mga sector ng Persons With Disabilities (PWD), Senior Citizens at Solo Parents.

Ang mga programang nakaugnay naman sa Residential/Institutional Services ay ang Bahay-Pagasa 24/7 Residential Facility at ang Half-way home for former rebels. Dagdag pa rito, may mga serbisyo rin ang tanggapan na nakalaan para sa Special Projects at Community Welfare gaya ng proyektong “BALAY”, Health Insurance Project, mga aktibidad para sa Family and Life Development, Family and Drug Abuse Awareness Program, at ang pagpapalawak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Ornald Tabares, Jr. – Batangas Capitol PIO / Photo by JunJun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.