Batangas PDRRMC, Nakahanda na sa Pagdaan ni Bagyong #RollyPH

Invitation to Bid (Nov. 24, 2020)
October 30, 2020
Higit 57,000 Batangueño, Naapektuhan ng Bagyong Quinta
November 1, 2020

October 31, 2020

Isinagawa ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang isang pagpupulong kanina, ika-31 ng Oktubre 2020, bilang assessment sa kahandaan ng lalawigan para sa paparating na Bagyong Rolly.

Inatasan ni Gov. DoDo Mandanas ang Batangas PDRRMO na isagawa ang hybrid teleconference meeting, kasama ang mga frontline offices ng Batangas Capitol sa disaster response; mga national agency partners, kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, DOST PAGASA at Philippine Red Cross; at, mga city at municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ng Batangas Province.

Sa simula ng pagpupulong, nagbigay ng update ang PAGASA tungkol kay Bagyong Rolly at ipinahayag ang posibleng pagtataas ng typhoon signal sa Batangas hanggang Signal No. 3.

Binigyang-diin naman ng Kapitolyo, sa pamamagitan ni PDRRMO chief Lito Castro, ang pangkalahatang kahandaan nito para sa paparating na bagyo.

Isinaad ng Provincial Social Welfare and Development Office na may sapat na supply ang pamahalaang panlalawigan para tugunan ang mga posibleng pangangailangan ng mga kababayan, kabilang ang direktiba ni Gov. DoDo Mandanas na mag-release ng ₱10 Milyon para sa mga food packs na dagliang maipadadala sa mga evacuation centers.

Ayon naman kay Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, nakahanda ang mga ospital ng lalawigan at may sapat na mga gamot para sa anumang emergency situation, kabilang ang pagkakaroon ng angkop na guidelines at protocol kaugnay ng COVID-19 virus.

Siniguro rin ng Department of Education na nakahanda ang mga eskuwelahan na maaaring magamit na evacuation centers.

On stand-by na rin at handang umaksyon ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways para sa mga posibleng road clearings, at mga teams ng Philippine Coast Guard, Philippine Air Force at Batangas PNP.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.