Batangas Mananatili sa General Community Quarantine Hanggang sa Katapusan ng Taon

Supplemental Bid Bulletin for December 1, 2020 Bidding
November 30, 2020
Notice of Award – Purchase of medical supplies (Cover-all, reusable, Face Shield (full shield), etc.) to be used in Rescue and Response for COVID-19 pandemic
December 2, 2020

December 2, 2020

Hinikayat ni Batangas Governor DoDo Mandanas ang sambayanang Batangueño na mahigpit na sumunod sa itinakdang Quarantine Protocol ng National Inter-Agency Task Force Against COVID-19 kaugnay ng pagpigil sa pagkalat ng virus ngayong pagpasok ng Christmas Season sa bansa.

Sa isinagawang pagpupulong ng COVID-19 National Task Force, na pinamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang ang Lalawigan ng Batangas sa pitong local government units (LGUs) na binubuo ng Metro Manila, Iloilo City, Tacloban City, Lanao Del Sur, Iligan City at Davao City na mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) mula ika-1 ng Disyembre hanggang ika-30 ng Disyembre 2020.

Ayon kay Mandanas, ang pagpapanatili sa ilalim ng GCQ ng mga nasabing LGUs ay isang strategic move sa hanay ng National IATF, batay umano sa dami ng populasyon, economic relevance at kahalagahan nito sa ekonomiya ng buong bansa.

Sa hanay ng Batangas, naniniwala umano siya na ang hakbang na ito ay makabubuti upang hindi magkaroon ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at maiwasan ang pangamba na dumating ito sa punto na magkakaroon ito ng epekto sa mga malalaking industriya, partikular sa transportasyon, manufacturing, petroleum, at electric generation.

Isa umano ang lalawigan sa major economic hubs at crossroads sa pambansang nautical highway, kung kaya at malaking bulto ng mahahalagang kalakal ay dumadaan sa pantalan at lansangan ng lalawigan.
Sa usapin naman ng pag-apela ng ilang mga punong bayan ukol sa pagpapababa ng quarantine level sa kanilang mga bayan, tumugon ang gobernador na maaaring silang gumawa ng pormal na kahilingan na may kaagapay na tamang mga dokumento at resolusyon na magpapakita ng patunay ng kahandaan ng kanilang bayan na tumugon sa COVID-19.

Ang mga kahilingang ito ay isasama ng Batangas Provincial IATF sa kanilang mga isusumiteng resolusyon at ulat sa Regional IATF para sa kaukulang pag-aaral at pag-aksyon.

Sa oras umano na ang mga kahilingan ay maaprubahan, nilinaw ng gobernador sa mga Local Chief Executives na ang anumang pangyayari o magiging resulta ng quarantine protocol downgrade sa kanilang nasasakupan, kahalintulad ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19, ay tanging pananagutan na ng mga ito at hindi na ng pamahalaang panlalawigan.

Isa umano sa tinitingnan ng National IATF sa pagpapaluwag ng quarantine protocols sa isang LGU ay ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga maayos na quarantine and isolation facilities, kakayahan para sa mass testing capacity ng mamamayan, at sapat na mga laboratoryo na makapagpapabilis ng pagpapalabas ng test results.

Sa kasalukuyan, iilan lamang sa mga LGUs sa lalawigan ang may kakayahang gawin ang nasabing mga hakbang at karamihan ay kailangan pa ang tulong ng pamahalaang panlalwigan, kabilang ang pagpapaganap ng mga proyektong katulad ng OPlan Kalinga.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.