Batangas IATF, Patuloy ang Pagkilos Laban sa COVID-19

RESOLUTION NO. 276 YEAR 2020 – RESOLUTION REQUESTING ALL CITIES AND MUNICIPALITIES IN THE PROVINCE OF BATANGAS TO IDENTIFY THEIR ISOLATION/QUARANTINE FACILITIES AND SUBMIT THE LIST TO THE INTER-AGENCY TASK FORCE ON COVID 19 OF THE PROVINCE OF BATANGAS IN ACCORDANCE TO DILG MC NO. 2020-064
April 8, 2020
RESOLUTION NO. 286 YEAR 2020 – ENCOURAGING HEALTH PROFESSIONALS, HEALTH PROVIDERS AND VOLUNTEERS AND HEALTH COMPANIES TO PROVIDE FREE PRIMARY CARE TELE-CONSULTATION OF ONLINE CONSULTATION IN TIME OF PUBLIC CRISIS
April 16, 2020

April 15, 2020

Nagsagawa ng pagtuturo sa mga Rural Health Unit (RHU) staff sa Lungsod ng Lipa at Cuenca nang wastong pagsusuot at paghuhubad ng Personal Protective Equipment (PPE) at pagkolekta ng specimen, tumanggap ng mga disinfectant na donasyon mula sa mga pribadong organisasyon, at nakipag-ugnayan sa mga local government units para sa mga iminumungkahing Persons Under Investigation (PUIs) and Persons Under Monitoring (PUMs) holding facility.

Ito ang ilan sa mga naging isinagawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng Lalawigan ng Batangas nitong mga nakaraang araw.

Pinangunahan ang mga nasabing aktibidad ng Batangas Provincial Department of Health Office at Provincial Health Office, na magkatuwang ding kumikilos upang makapagbigay ng tulong sa mga pasyenteng tumatawag sa COVID-19 hotline.

Aktibo rin sa kanilang quarantine control at inspection sa iba’t ibang checkpoints sa lahat ng bayan at lungsod ng Batangas ang Philippine National Police (PNP). Ang mga miyembro ng Batangas PNP ay kasama ring sa mga isinasagawang ocular inspections sa mga pamilihang bayan at mga pampublikong lugar.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa bawat LGU, sa pamamagitan ng kanilang 24/7 Provincial Emergency Operations Center, at Provincial
Social Welfare and Development Office para sa agarang paghahatid ng mga kinakailangang ayuda sa mga barangay.

Ang Batangas IATF-EID ay pinangungunahan nina Gov. DoDo Mandanas, Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang Task Force Responsible Officer, at Dr. Gerald Alday, na siyang Incident Commander, katuwang sina PDRRMO chief Lito Castro at PSWDO Department Head Joy Montalbo. Kaisa rin sa pag-aksyon sa lalawigan ang DILG at DOH.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.