Banta ng Crown of Thorns sa mga Coral Reefs ng Batangas, Patuloy na Binabantayan

Araw ng mga Punong Barangay sa Lalawigan ng Batangas, Ipinagdiwang sa Kapitolyo
May 20, 2022
Community Food Market sa Kapitolyo, Ipinagpatuloy ng OPAg
May 21, 2022

May 22, 2022

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, muling nagpulong ang mga stakeholders mula sa 13 na mga coastal local government units ng Batangas at iba’t ibang mga ahensya upang pagtalakayan ang crown of thorns (COT) o “taeng kalabaw,” na isang species ng starfish na kumakain sa coral reefs, noong ika-20 ng Mayo 2022 sa PGENRO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Pinag-usapan dito ang mga isinasagawang mga hakbangin ng mga coastal LGU’s kung saan naunang nakita ang COTs, kabilang ang Balayan, Bauan, Calatagan, Lemery, Lian, Lobo, Taal, Mabini, Nasugbu, San Juan, San Luis, Tingloy at Batangas City.

Patuloy naman ang pagtulong at pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Tourism ang Cultural Affairs Office (PTCAO), upang mapigilan ang pagdami ng mga COTs na maaaring makasira sa likas na yaman ng baybayin ng lalawigan, partikular ang mga coral reefs na dinadayo ng mga divers at turista.

Nakiisa sa pagpupulong sina PGENRO chief Luis Awitan, PDRRM Officer Lito Castro, PTCAO OIC Jaida Castillo, at mga kinatawan ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat Network, Philippine National Police (PNP) – Batangas Province, PNP Maritime, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Divers Association, Conservation International Philippines, at Batangas State University.

Mon Antonio A. Carag III, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.