Bagong Sagisag ng Lalawigan ng Batangas, Aprubado na ng Malacañang, Komisyon Ng Kasaysayan

Invitation to Bid – Supply and Delivery of 186 Units of Brand New Dual Air-Conditioned Multi-Purpose Rescue Vehicles for Use of Various Barangays and Municipalities of the Province of Batangas under its Capability Building Program
March 22, 2023
Kahandaan, mga Isinasagawang Hakbang ng Batangas Province sa Oil Spill, Tinalakay sa Pagpupulong
March 23, 2023

March 22, 2023

Inaprubahan na ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Office of the President, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary, ang bagong opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Batangas.

Dahil dito, maaari nang gamitin ang bago at opisyal na pagkakakilanlan ng lalawigan sa lahat ng mga dokumento at iba pang kauri nito.

Matatandaan na noong nakaraang Disyembre 2022, pinasinayaan ni Governor DoDo Mandanas at Vice Governor Mark Leviste ang bagong sagisag sa ginanap na selebrasyon ng ika-441 na taon ng pagkakatatag ng lalawigan. Ang mga pagbabago ay personal na iminungkahi ng gobernador, at sang-ayon sa Provincial Ordinance No. N-004-2022, na ipinasa sa ika-21 regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Nobyembre 28, 2022.

Binigyang-halaga sa ipinasang disenyo ang paglalagay ng Taal Volcano sa Taal Lake bilang “centerpiece” dahil sa ito ang pinakatanyag na “natural landmark” na matatagpuan sa pinaka-“puso” ng probinsiya. Makikita rin ang mas detalyadong balisong, ang tanyag na “butterfly knife” o Batangas knife, na ginayakan ng 34 na kulay pilak na mga “bezants” o palamuti na katumbas na bilang ng 29 na bayan at 5 na lungsod sa lalawigan.

Samantala, nanatili ang walong sinag ng araw, na sagisag ng katapangan at kagitingan ng mga Batangueño noong panahon ng Himagsikan. Ang barko ay ginawang galyon, na sumisimbolo sa mayamang kasaysayan ng paglalayag, gayundin, ang kabayo na kumakatawan sa kalayaan, pagtitiis, pagtitiwala, tagumpay at kabayanihan.

Dagdag pa rito, mapapansin ang elemento ng tubig sa kaliwang bahagi na nagrerepresenta sa Verde Island Passage, na isang UNESCO World Heritage Site at napag-alamang sentro ng “marine biodiversity” sa buong mundo, habang ang walong alon ay tumutukoy sa mga baybayin ng Batangas, Balayan, Talin, Nasugbu, Pagapas, Tayabas, Sigayan at Coloconto.

Sa ilalim na bahagi, naroon ang kape na siyang pangunahing produktong pang-agrikultura ng mga Batangueño at ang taong 1581 kung kailan naitatag ang lalawigan batay sa Provincial Ordinance No. 001-2008.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.