Assistive Device para sa mga visually impaired, ipinamahagi ng Samahang Batangueña

Basic Sign Language Training, isinagawa sa bayan ng San Pascual
October 15, 2019
Calumpang River Rehabilitation, isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan
October 16, 2019

October 16, 2019

17 na Persons with Disabilities (PWD), na visually impaired, mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas ang nakatanggap ng assistive device o white cane sa isinagawang distribution ceremony noong ika-16 ng Oktubre 2019 sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pamamahagi ay proyekto at inisyatibo ng Samahang Batangueña, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at sa pakikipagtulungan ng Ceracare Foundation. Ito ang ikalawang pagkakataon na namahagi ng nasabing white cane, na naunang isinagawa noong ika-4 ng Okubre 2019 sa Barangay Mabakong, Batangas City, kung saan 18 ang nabigyan.

Layunin ng programa na matulungan ang isang indibidwal na may visual impairment nang sa gayon ay mas maging produktibo ang mga ito sa kabila ng kanilang kapansanan. Sa adhikain na ito, maipapadama rin sa kanila na nabibigyan ang mga nasabing PWDs ng sapat na atensyon sa simpleng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Personal na iniabot ang mga naturang white canes sa mga recipients nina Governor DoDo Mandanas, katuwang ang asawa nitong si Atty. Regina Reyes Mandanas, Pangulo ng Samahang Batangueña; PSWDO Department Head Jocelyn Montalbo; at ang namumuno ng Ceracare Foundation na si Ms. Lily H. Tangco.

Bahagi rin ng aktibidad ang pagsasanay sa mga Batangueño visually impaired para sa mas maayos na paggamit ng kanilang natanggap na assistive device.

Samantala, para naman mas mapalawig pa ang kaalaman ng bawat isang empleyado ng tanggapan ng PSWDO, hatid din ng Ceracare Foundation ang isang basic training sa paggabay o pag-agapay sa mga may kapansanan sa paningin.

Naging emosyonal naman si Governor Mandanas matapos maantig ito sa awiting ibinahagi ng ilan sa mga recipients, na, ayon sa kaniya, ay patunay na hindi hadlang ang kapansanan upang maipamalas ang angking galing at talento, at maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan.

Mark Jonathan M. Macaraig, Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.