8th Provincial Migrants Day, Ipinagdiwang ng Batangas Capitol

Request for Quotation – PURCHASE OF VARIOUS SUPPLIES AND MATERIALS (PET CAGES, SCRATCH PENS, GAMEFOWL, ETC.) FOR PREPAREDNESS MEASURES & RESPONSE OPERATION TO SUPPORT THE LIVELIHOOD PROGRAMS FOR THE VICTIMS OF TAAL VOLCANO ERUPTION
December 10, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF MEDICAL, DENTAL AND LABORATORY SUPPLIES (MUSCLE SPRAY, MICROPORE TAPE 1″, 12’S, ETC.) FOR PREVENTION AND MITIGATION MEASURES FOR COVID-19
December 13, 2021

December 11, 2021

“Programa at Serbisyo para sa Batangueño OFWs at Pamilya sa Gitna ng Pandemya”

Ito ang naging tema sa isinagawang online celebration ng 8th Provincial Migrants Day ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Batangas Province Migrants Coordinating Council (BPMCC) at Batangas Province OFW Association, Inc. (BPOA), noong ika-9 ng Disyembre 2021.

Naging keynote speaker sa pagtitipon si Ginoong Arnaldo Ignacio, Deputy Administrator ng Adminstration and Fund Management – Overseas Workers Welfate Administration (OWWA), na binigyang-diin na hindi nila pababayaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW), sang-ayon sa kanilang mandato na siguruhin ang kaligtasan ng mga ito.

Nabanggit din ni Ignacio na may mga programa silang naghihikayat sa mga OFW na subukan ang pagnenegosyo. Aniya, bago pa man magkaroon ng pandemya, mayroon na silang ipinatutupad na programang livelihood assistance at loans, kung saan tinuturuan ang mga OFWs ng kanilang tanggapan na makapagsimula ng maliit na negosyo sa pamamagitan ng skills at business development at binibigyan ng pangpuhunan.

Hinikayat din nito ang lahat na huwag basta maniwala sa mga recruiters sapagkat ito ang naghahatid sa kapahamakan sa mga OFWs.

Samantala, nagkaroon naman ng orientation tungkol sa Anti-Illegal Recruitment – Anti-Trafficking in Person (AIR-ATIP) ang Philippines Overseas Employment Administration (POEA), na ipinirisinta ni Atty. Kristina Marie Joy Andal. Nagbahagi din si Atikha Inc. Executive Director Aileen Constantino-Peñas tungkol sa kung paano makapagsimula at makapagpalago ng negosyo.

Ibinida rin ng PSWDO ang mga istorya ng mga OFWs mula sa mga Bayan ng Mabini, San Pascual, Talisay at Calaca na nagbigay ng inspirasyon at motibasyon sa mga kapwa OFWs at kanilang mga pamilya na, sa kabila ng mga pagsubok ng pandaigdigang pandemya, maaari pa ring maging matagumpay.

Patuloy naman ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas at sa pamamagitan ng PSWDO, sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para matulungan ang mga kababayang OFWs.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.