48-member Inter-Agency Rapid Damage Assessment Team, binuo sa Lalawigan ng Batangas

Programa ng Batangas Marine Protected Area Network tinalakay sa B’yaheng Kapitolyo
August 7, 2024
2024 Batangas Cacao and Chocolate Day, ipinagdiwang sa Kapitolyo
August 12, 2024

August 9, 2024

Matagumpay na nagsipagtapos ang 48 kalahok mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, iba’t ibang ahensya, sosyo-sibiko, at hanay ng uniformed personnel sa isinagawang apat na araw na pagsasanay para sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) response na inilatag ng Batangas Province Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) noong ika-6 hanggang 9 ng Agosto 2024.

Naging tampok sa nasabing pagsasanay ang pagsasagawa ng Real-Life Simulation Exercise ng mga RDANA trainees para sa maayos at epektibong operational procedures para sa pagkolekta ng mga datos na nararapat, na siyang magiging batayan ng mga isasagawang pagpapaabot ng tulong at mga agarang responde sa mga pamayanan matapos ang malawakang kasiraan dulot ng kalamidad.

Ang 48 kalahok ay sumailalim sa paggabay ng tumayong course monitoring director na si Ms. Aidelle Lapie, Capacity Building Training Service Training Officer ng Office of the Civil Defense IV-A. Nagsilbi namang course facilitators sina Ms. Charmis Rivera, Training Section Chief mula sa Laguna Province PDRMM Office; Ms. Stephanie Nadine Labrador, Admin and Training Chief ng Batangas Province PDRRMO; at Mr. Sariel Salamat, Local DRRM Officer III mula sa Quezon Province PDRRMO.

Sa apat na araw na pagsasanay, tinalakay at sumailalim ang mga trainees sa ilang mga ehersisyo at aktibidad upang lubos na maunawaan ang konsepto ng kahalagahan ng pagsasagawa ng RDANA.
Kabilang dito ang introduksyon at paghahanda sa RDANA, konsepto ng operasyon, mobilisasyon, pamamaraan na may konsepto ng epektibong pagkuha, pag-ipon, pagtatala, pagtatasa, pagsusuri, paglalahad, at pagbabalita gamit ang mga nakalap na datos.

Ang mga ganitong pagsasanay para sa kakayahan ng pagtugon sa mga kalamidad ng kawanihan ng pamahalaang panlalawigan at mga katuwang na mga ahensya at lokal na pamahalaan ay bahagi ng mandato ng administrasyon ni Batangas Governor Hermilando Mandanas, na nagpapahalaga sa pagbibigay ng proteksyon sa buhay ng bawat indibidwal at mga ari-arian sa lalawigan.

Edwin V. Zabarte /BatangasPIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.