46 na mga Batangueño persons with disabilities (PWD) ang nakatanggap ng assistive devices mula sa Department of Health (DOH) noong February 22, 2021.
Ang mga benepisyaryo ng walker, crutches at white cane ay mula sa mga Bayan ng Bauan, Cuenca, San Pascual at Malvar, at Lungsod ng Lipa.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan nina Provincial Disability Affairs Officer (PDAO), Ginoong Edwin De Villa, at Provincial Federation President of Persons With Disability, Ginoong Nelson R. Adante, kina Director Eduardo Janairo at Paulina Calo ng DOH-Region IV-A CALABARZON.
Ayon kay Ginoong Adante, naging posible ang nasabing gawain dahil sa patuloy na pag-agapay sa PWD sector ng Provincial Social Welfare Development Office, sa pangangasiwa nina PSWDO department head Jocelyn R. Montalbo at PWD Focal Person Joan Mae Mendoza. Aniya, dama ng mga Batangueñong PWD ang pagpapahalaga sa kanilang kapakanan dahil sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng nasabing mga kagamitan sapagkat, kung noong una ay sila ay nananatili lamang sa kanilang tahanan, sila ay maaari nang makalabas at makisalamuha sa kapwa.
Grace Briones – Batangas PIO