3rd Livestock and Poultry Haulers’ Forum, idinaos sa Kapitolyo

2nd Batch ng mga Kabataang Batangueño academic awardees, binigyang parangal sa Kapitolyo
April 22, 2019
COA – Prov’l. Satellite Office Groundbreaking Ceremony, Isinagawa
April 23, 2019

April 23, 2019

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV), ang Ikatlong Livestock and Poultry Haulers’ Forum noong ika-23 ng Abril 2019 sa League of the Municipalities of the Philippines Building, Capitol Site, Batangas City.

Ang nasabing pagtitipon, na may temang “Ala Eh! Kapag sa Batangas, Hayop na dala ay laging ligtas!”, ay dinaluhan ng animnapu’t walong partisipante mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng Lalawigan ng Batangas.

Layunin nito na mabigyang kaalaman ang bawat isang indibidwal na ang negosyo at hanapbuhay ay kaugnay sa transportasyon ng mga inaangkat at iniluluwas na hayop at iba pang produkto.

Naging pangunahing paksa sa pagpupulong ang Road Safety, na tinalakay ng Startoll Corporation Staff kabilang sina Mr. Dominador Jerry Torres, Mr. Jonathan T. Aquino at Mr. Arnold Pastrana. Dito ay ipinaalam sa mga Batangueño haulers na tire, mechanical at engine-related problems ang tatlong pangunahing nagiging sanhi sa pagkakaroon ng disgrasya sa daan o karsada.

Pinaalalahanan ang mga partisipante na ugaliing tiyakin na nasa tamang kondisyon ang mga sasakyan bago ito gamitin. Kasama pa sa naging paalala ang lane management at pag-monitor sa bilis o speed regulation ng mga behikulo, nang sa gayon ay makaiwas sa aksidente.

Naging bahagi rin ng isinagawang haulers’ forum ang updated requirements para sa shipment ng livestock and poultry, animal products, and by-products, kung saan nagsilbing resource person si Ms. Marissa V. De Guzman, Agriculturist II ng Bureau of Animal Industry – Veterinary Quarantine Services ng Port of Batangas.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon na makapagpasa ng aplikasyon ang mga haulers sa probinsya para magkaroon ng Handler’s License at Transport Carrier Accreditation.

Naglaan naman ang tanggapan ng OPV, sa pamamagitan ni Dr. Krisel Ann Ragas, Veterinarian III, ng isang Animal Welfare Seminar, na isa sa mga requirements upang magkaroon ng naturang lisensya at akreditasyon.

Nagtapos ang pagtitipon sa isang open forum na nagbigay-daan sa mga partisipante upang mabigyang linaw ang kanilang mga katanungan hinggil sa mga tinalakay na paksa.

✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Batangas Provincial Veterinary Office – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.