24th Gawad Parangal sa Pamilya, ginanap para sa Pamilyang Batangueño

Batangas Elderly Week Celebrations, sina Lolo at Lola ang Bida
October 15, 2019
Basic Sign Language Training, isinagawa sa bayan ng San Pascual
October 15, 2019

October 15, 2019

Binigyang-pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batngas, Inc., katulong ang Provincial Social Welfare and Development Office, Department of Education at Commission on Life and Family Ministry ng Archdiocese of Lipa, ang mga tinanghal na Huwarang Pamilyang Batangueño 2019 sa isinagawang 24th Gawad Parangal sa Pamilya.

Sa gabay ng temang “ Tungo sa maginhawa, matatag at panatag na Pamilyang Pilipino” para sa taong ito, ginanap ang parangal sa Basilica Pastoral Center, Basilica Minor Compound, Batangas City noong October 10, 2019.

Naging bahagi sa programa sina Governor Dodo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, Board Member Bart Blanco at mga opisyal at kinatawan ng mga katuwang na ahensya at samahan.

Mula sa 180 na kalahok na pinili mula sa iba’t-ibang munisipyo at siyudad sa lalawigan, pinarangalan at tinanghal na Huwarang Pamilyang Batangueño 2019 ang mag-anak nina Ginoo at Gng. Gideon at Merlyn Magbojos ng Brgy. Ilat South ng Bayan ng San Pascual at Huwarang Pamilya ng 4Ps ang Pamilya Villanueva ng Brgy. Sta. Cruz ng Lungsod ng Sto. Tomas.

Nahirang naman mga Runners Up ang pamilya nina Domiciano at Catalina Amutan ng Brgy. Balete, Tanauan City; Emetrio at Pricila Baja ng Brgy. Liponpon, ng Isla Verde, Lungsod ng Batangas; samantalang pumangalawa at pumangatlo naman sa 4p’s Category ang pamilya Perez ng Brgy Bilogo, Taysan at Alolod Family ng Brgy. Sta. Mesa, Mabini.

Edwin V. Zabarte, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.