August 31, 2017
Pormal na binuksan ang 2017 Gov. Dodo Mandanas Inter-LGU Sports Competition sa Batangas Provincial Sports Complex, Batangas City noong ika-31 ng Agosto 2017.
Dalawampu’t isang local government units sa 34 na bayan ng Lalawigan ng Batangas ang lumahok sa 2017 edition ng paligsahang pampalakasang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office.
Magpapagalingan ang mga kalalakihan sa basketball at volleyball, samantalang magtatagisan naman sa volleyball ang mga kababaihang pawang mga kawani ng iba’t ibang pamahalaang lokal ng mga lungsod at munisipalidad ng Batangas.
Nagpasok ng entries ang mga bayan ng Balayan, Calaca, Lemery, Lian, Tuy, Nasugbu, Calatagan (1st District), San Pascual (2nd District), Agoncillo, Alitagtag, Cuenca, Mataas na Kahoy, Tanauan City, Talisay (3rd District), Ibaan, Rosario, San Jose, San Juan, Taysan (4th District), Batangas City (5th District), at Lipa City (6th District).
Noong 2016, naging kampeon ang City Government of Batangas sa men’s basketball at iniuwi naman ng Municipality of San Juan ang korona sa women’s volleyball. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO