2 Barkong Sumadsad sa Balayan, Tinutukan ang Agarang Pag-aalis

ADDENDUM OF PROJECT PROCUREMENT MANAGEMENT PLAN For the Month of November to December, 2022
January 31, 2023
Notice of Vacant Positions
February 2, 2023

February 2, 2023

Matapos makaabot kay Governor DoDo Mandanas ang reklamo ng ilang pamilya kaugnay ng pinsalang idinudulot ng dalawang barko, na sumadsad dahil sa Bagyong Quinta sa dalampasigan ng Balayan, Batangas tatlong taon na ang nakalilipas, ipinag-utos nito ang agarang pagsolusyon sa problemang sumira na sa kabahayan ng ilang residente.

Kaugnay nito, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang isang emergency meeting noong ika-30 ng Enero 2023 sa Dalubhasaan Bldg., Bolbok, Batangas City, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) – Batangas, upang mapag-usapan kung ano ang mga hakbang na dapat gawin para maialis ang mga barko ng Amparo Shipping Corp. at maiwasan ang mas matindi pang panganib na maaaring idulot nito.

Sa pagpupulong na pinamunuan ni PDRRMO Chief Joselito Castro, mariing sinabi ni Coast Guard Capt. Victorino Ronaldo Y Acosta IV na hindi na maaaring patagalin pa ang pagtanggal sa mga nasabing barko, na napadpad sa baybay-dagat noong ika-26 ng Oktubre 2020, sapagkat malaki na ang naging sira sa kapaligiran. Dahil sa paghadlang nito sa natural na daloy ng alon ng dagat, nagkaroon ng erosion o pagguho ng lupa sa pangpang na naging dahilan ng pagkasira ng ilang mga bahay, at nagbabanta pa sa ibang tahanan doon, bukod sa negatibong epekto nito sa pamumuhay ng mga residente.

Bago matapos ang pagpupulong, nangako ang may-ari ng MV Hanako at MTKR Ocean Queen Nine na tatanggalin ang mga barko sa lalong madaling panahon.

Inimbitahan sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan ng Amparo Shipping Corp., PENCOH8 Salvage, Balayan MDRRMO, at ilang opisyal ng Brgy. Palikpikan, Balayan, Batangas. Kasama ring dumalo sina Assistant Provincial Legal Officer, Atty. Dennis Macatangay; Assistant Provincial Administrator Colin Garcia; Provincial Public Order and Safety Services Department Head, Atty. Genaro Cabral; at Provincial Government Environment and Natural Resources Office Head Luis Awitan.

Batangas Capitol PIO – Gian Escamillas / Photo by Macven Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.