Mga Pangunahing mga Mamamayan. Kabilang ang sector ng mga Batangueño at Batangueña senior citizens sa patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office. Batangas Capitol PIO
March 21, 2018
Mga Pangunahing mga Mamamayan. Kabilang ang sector ng mga Batangueño at Batangueña senior citizens sa patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office. Batangas Capitol PIO
Isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Federation of Senior Citizens in the Province of Batangas, Inc. (FSCAPBI) kung saan pinagpulungan ang mga plano ngayong 2018 at upang magsagawang muli ng eleksyon ng mga bagong opisyal noong ika 21 ng Marso 2018 sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Conference Room, Capitol Site, Batangas City.
Sa pangunguna ni Ms. Jorgia Bianzon mula sa Taysan, Executive Vice President ng FSCAPBI, kasama ang lahat ng mga kasaping opisyal na namumuno sa bawat bayan sa buong Lalawigan ng Batangas, naisakatuparan ang layunin ng nasabing pagpupulong na makapagsumite ng mga reports at makapaghalal ng mga bagong provincial officers.
Ang mga nahirang na mga bagong officers ay sina Whelma Malapitan mula sa Sta. Teresita bilang President; Remo Valencia mula sa Balete bilang Executive Vice President; Dra. Rita De Guzman mula sa Laurel bilang Secretary; Estrella Aguilera ng Alitagtag; Jose Magabo mula sa Malvar bilang Auditor. Mga PRO mula sa apat na Distrito na sina Myrna Dimaano mula sa Taal; Armando Mendoza mula sa San Pascual; Raymunda Hernandez mula sa San Nicolas AT Aniceto Quinay mula sa Ibaan.
Sa huling bahagi, binigyan naman ng pagkakataong magbigay ng kani – kanilang mensahe ang mga bagong hirang na mga officers na nangakong gagampanan ang kanilang mga tungkulin para sa tuloy- tuloy na pagpapalakas ng samahan ng mga senior citizens sa buong lalawigan ng Batangas. Cecilei De Castro – Batangas Capitol PIO