1st Quarter accomplishments ng PPDO, itinampok

Paglalaan ng pondo para sa mas epektibong kampanya laban sa droga, isusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
April 24, 2019
Batangas Province PWD Officers nakiisa sa Regional Leadership Training, Teambuilding
April 29, 2019

April 29, 2019

“Planning is an integral part of our work, may kasabihan kami sa aming opisina na if you fail to plan, you plan to fail”.

Ito ang binigyang-diin ni Provincial Planning and Development Office (PPDO) Department Head Benjamin I. Bausas, nang ibahagi niya ang accomplishments ng kanilang tanggapan para sa 1st Quarter ng 2019 noong ika-29 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Tinalakay ni Ginoong Bausas, isang Certified Public Accountant at Licensed Environmental Planner, ang layunin ng PPDO na magbalangkas ng mga komprehensibong development plans para sa ikagagaling ng mga stakeholders at maisakatuparan ang mga minimithi ng pamahalaang panlalawigan. Alinsunod dito, nagsasagawa sila ng mga pagsasaliksik, pag-aaral, pagsasanay, at monitoring ng mga programa at proyekto.

Kabilang sa mga nagawa ng nasabing opisina mula Enero hanggang Abril 2019 ang pagbibigay ng secretariat services sa Provincial Development Council (PDC); pagtanggap at pagsusuri ng mga Annual Investment Projects ng mga Capitol departments; pag-aaral ng comprehensive land and water use plan at zoning ordinances ng iba’t ibang munisipalidad, kabilang ang sa Calatagan at Rosario na dumadaan sa pagsusuri ng Provincial Land Use Committee; at, pangangasiwa sa Local Public Transport Route Plan.

✎ Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO / Photo: Bats PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.