151 Blood Units Nakolekta sa Blood Drive sa Bayan ng Mabini

Bids Results – Infra, Goods and Consulting Services of the Bids and Awards Committee for 3rd Quarter of CY 2021
October 1, 2021
Estado ng Kampanya Laban sa COVID-19, Iniulat ng Batangas PHO
October 1, 2021

October 1, 2021

Naging matagumpay ang isinagawang boluntaryang pag-aalay ng dugo sa Bayan ng Mabini ng Batangas Provincial Blood Council noong ika-26 ng Setyembre 2021.

Naging katuwang sa nasabing aktibidad, na may temang “Give blood and keep the world beating. Dugong Taga-Mabini, Dugo ng mga Bayani,” ang Pamahalaang Bayan ng Mabini at Mabini Community Hospital, sa pangunguna ni Dr. Ramir Beloso.

Mahigit 151 na blood units ang nakolekta dito. Dumaan naman ang blood-letting sa tamang proseso at safety protocols, tulad ng disinfection ng lugar na pagdadausan at mga beddings na gagamitin, at pagsusuot ng mga gumanap na health personnel ng personal protective equipment.

Mahigpit ding ipinatupad ang minimum health standards, kung saan ang mga may sipon at lagnat ay hindi na maaaring pumasok sa activity area kahit pa nais mag-donate ng dugo.

Ipinagbigay-alam naman ng Batangas Blood Council, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, na hindi sila tititgil sa mga proyekto at aktibidad upang makapangalap ng dugo, na kailangan upang makapagdugtong ng buhay, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Buo rin ang naging suporta sa voluntary blood donation ng Provincial Health Office, National Voluntary Blood Services Program, ABS-CBN, at mga non-government organizations sa Bayan ng Mabini.

Millicent Ramos / Photo: Elaine Magtibay – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.