119th Birthday ni Gov. Sanoy Leviste Minarkahan ng Batangas Capitol

Tulong Pinansiyal sa mga Apektado ng Lindol , Patuloy na Ipinamahagi
June 1, 2017
Pre-Assessment Para sa 2017 Seal of Good Local Governance Ginanap
June 2, 2017

June 2, 2017

Nilagdaan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas noong ika-30 ng Mayo 2017 ang Proclamation No. 2017-01, na nagbibigay alam sa mga Batangueño na ipagdiwang ang ika-119 na anibersaryo ng kapanganakan ni dating Batangas Governor Feliciano “Sanoy” P. Leviste sa ika-9 ng Hunyo 2017.

Naging ama ng Lalawigan ng Batangas si Gov. Sanoy Leviste nang 24 na taon o mula January 1, 1948 hanggang December 31, 1971, kung kailan kinilala siya bilang kampeon at mahal ng masa dahil sa pagtutok sa pagpapaunlad ng mga rural areas. Dahil dito, naturingan siyang Ama ng Community Development.

Nakilala din siya bilang Dean of Provincial Governors dahil sa pagiging modelo ng Batangueno leadership na makikita sa matuwid na pamumuno, na may integridad, prinsipyo, paglaban sa korapsyon at pag abuso ng kapangyarihan, at pangangalaga sa mahihirap.

Sa pamamagitan ng Proklamasyong ito, hinihikayat ang 3 pamahalaang lungsod at 31 pamahalaang bayan sa Batangas Province na nagkakaisang ipagdiwang ang kaarawan ni Gov. Leviste sa darating na June 9.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.