10,000 Relief Packs Ipinamahagi ng Unang Ginang Honeylet Avanceña, Katuwang ang FFCCCII

Provincial Nutrition Cluster, Ini-activate sa Batangas Province
January 23, 2020
Bulkang Taal, Ibinaba na sa Alert Level 3
January 26, 2020

January 23, 2020

Batangas City- Pinangunahan nina Ms. Honeylet Avanceña , common-law wife ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), katuwang ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), ang pagbibigay ng 10,000 relief packs at tikoy para sa mga Batangueño evacuees na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa mga miyembro ng FFCCII, isa itong makabuluhang pagsalubong sa Chinese New Year, sa darating na Enero 25, sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa na pansamantalang nananatili sa Batangas City at Bauan.

Ang tulong ay kinapapalooban ng inuming tubig, bigas, produktong de lata at iba pang mga pangangailangan habang sila ay nasa loob ng mga evacuation centers.

Unang binista ng Unang Ginang ang mga “bakwit” sa loob ng Batangas Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City at sinundan ng pagbista sa mga pamilyang nasa Bauan Technical High School na inilikas mula sa ibat’t-ibang munisipyo na nasa loob ng 14 km. Danger Zone.

Binigayang komendasyon ni Avanceña ang mga ahensya at mga organisasyon na hindi tumitigil sa pagtulong sa mga Batangueño, na posibleng matagalan ang pananatili sa mga evacuation centers bunga ng patuloy na aktibidad ng bulkan.

Kasama rin ng Unang Ginang sa nasabing aktibidad ang mga asawa ng mga miyembro ng gabinete ni Presidente Duterte, at mga opisyales ng FFCCCII. Nagpasalamat naman si Governor DoDo Mandanas at iba pang mga lokal na opisyal sa patuloy na pagdaloy ng tulong para sa mga Batangueño.

Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol-PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.