Youtuber Bella Racelis, Mutya ng Lipa 2021

15% Discount sa Real Property Tax, Isinusulong ng SP na Palawigin Pa
January 22, 2021
Health at Development, Tinututukan ng Batangas Capitol Ngayong 2021
January 22, 2021

January 22, 2021

Kinoronahan bilang Mutya ng Lipa 2021 si Binibining Arabella Francesca V. Racelis noong ika-17 ng Enero 2021, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Lungsod ng Lipa sa darating na ika-20 ng Enero.

Si Racelis ay isang kilalang Filipino teen lifestyle and beauty Youtuber na may 1.6 milyon na followers sa kanyang Youtube channel, kalahating milyong Instagram followers, at 572K na followers sa Twitter.

Siya ang pangalawa sa tatlong anak nina Allan Racelis at Fhreda Racelis, at taga Antipolo del Norte, Lungsod ng lipa. Siya ay nagtapos ng senior high School sa De La Salle Lipa noong nakaraang taon. Isa rin siya sa idineklara na YouTube Fantest Manila Headliners noong 2018.

Kaugnay nito, nagpasa ng Resolusyon sa Sanggunian Panlalawigan (SP) si 6th District Board Member Aries Emmanuel “Bibong “ Mendoza sa 2nd SP Regular Session upang mabigyan ng pagkilala ang pagkakatanghal kay Bella Racelis bilang Mutya ng Lipa sa taong ito.

Mon Antonio Carag III / Photo: Francis Milla – Batangas PIO
Additional Photo: ThatsBella Facebook Page

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.