Women’s Month, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Outstanding MWCC at DWCC, Pinarangalan sa Provincial Women’s Month Celebration
March 19, 2018
1st Quarter Meeting ng Federation of Senior Citizens Association of the Province of Batangas, Inc., Isinagawa
March 21, 2018

Making Change Work for Women in Batangas. Magkakasamang sinaksihan nina Batangas Gov. Dodo Mandanas at (mula kaliwa) Senior BM Wheng Africa, Chairperson ng Committee on Social Welfare and Development; Ms. Myrna Yao, President ng Philippine Federation of Local Councils of Women; at, Dir. Annie Mendoza, OIC – DSWD Region IV-A ang mga kaganapan sa selebrasyon para sa mga kababaihan sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Marso 2018. Photo: Eric Arellano / Batangas Capitol PIO

March 19, 2018


Making Change Work for Women in Batangas. Magkakasamang sinaksihan nina Batangas Gov. Dodo Mandanas at (mula kaliwa) Senior BM Wheng Africa, Chairperson ng Committee on Social Welfare and Development; Ms. Myrna Yao, President ng Philippine Federation of Local Councils of Women; at, Dir. Annie Mendoza, OIC – DSWD Region IV-A ang mga kaganapan sa selebrasyon para sa mga kababaihan sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Marso 2018. Photo: Eric Arellano / Batangas Capitol PIO

Bilang bahagi ng pakikiisa sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng isang selebrasyon para sa mga kababaihan ng lalawigan, na may temang “We make change work for women” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Marso 2018.

Sa pagtutulungan ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI) na pinamumunuan ni Atty. Gina Reyes – Mandanas; Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan naman ni Mrs. Jocelyn R. Montalbo, RSW at Samahang Batangueña naging matagumpay ang nasabing pagdiriwang.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagbigay ng kani-kanilang pagbati at mensahe sina Gov. Dodo Mandanas, Vice Gov. Nas Ona at mga Board Members (BM) na sina BM Bart Blanco, BM Claudette Ambida – Alday, BM Jun Jun Rosales, BM Fred Corona, BM Arlina Magboo, BM Divina Balba, Chairperson ng Committee on Women and Family at Senior BM Wheng Africa, Chairperson ng Committee on Social Welfare and Development na nagbahagi ng isang audio-visual presentation tungkol sa mga kababaihan.

Dinaluhan ang selebrasyon ng mga panauhing pandangal na sina Dir. Annie Mendoza, OIC – DSWD Region IV-A na nagbahagi ng mga programa at serbisyo ng kanilang tanggapan para sa pagbibigay ng pagbabago at kaunlaran sa mga kababaihan; Ms. Kristine Balmes, Deputy Executive Director ng Philippine Commission on Women na siyang nagpaliwanag ng iba’t ibang konsepto na may kinalaman sa mga kababaihan kabilang na ang tungkol sa Gender and Development (GAD), Violence Against Women and Children (VAWC), at mga batas na may kinalaman sa gender equality at gender mainstreaming; at si Ms. Myrna Yao, President ng Philippine Federation of Local Councils of Women na nagbahagi ng kanyang mga karanasan at ilan ring konsepto na may kinalaman sa kababaihan kabilang ang Magna Carta of Women.

Kabilang sa mga naging highlight ng selebrasyon, ang pangunguna ni Gov. Mandanas sa naging panunumpa ng mga miyembro ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) – Batangas na pinamumunuan ni Mr. Diosdado Macalintal ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) Office; pagkakaroon ng awarding ng Outstanding District Women Coordinating Council (DWCC) at Outstanding Municipal Women Coordinating Council (MWCC) at forum tungkol sa Salient Features ng Provincial GAD Code na ipinaliwanag ni BM Balba.

Sa mensahe ni Gov. Mandanas, binati niya ang mga kababaihan sa kanilang pagdiriwang ng women’s month. Aniya napakahalaga ng bahagi ng mga kababaihan sa lipunan at naniniwala siya sa gender equity kung saan pinapahalagahan ang mas malaking naitutulong ng mga kababaihan para sa pagpapaunlad ng Lalawigan ng Batangas. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.