Water Sampling, Monitoring sa Isla Verde, Isinagawa ng PGENRO

Kahandaan, mga Isinasagawang Hakbang ng Batangas Province sa Oil Spill, Tinalakay sa Pagpupulong
March 23, 2023
Gov. Dodo, SMC’s RSA Lumagda sa Joint Venture Agreement para sa ₱45-B Nasugbu-Bauan Expressway
March 23, 2023

March 23, 2023

Kabilang sa mga pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagpasok ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa kahabaan ng coastal areas ng lalawigan, partikular sa Verde Island Passage, ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), sa pamamagitan ng Batangas Environment Laboratory (BEL), kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at ibang pang ahensya ng gobyerno, ay agarang nagsagawa ng water sampling and monitoring sa mga barangay sa Isla Verde na naulat na mayroong sightings ng oil slicks noong nakaraang Marso 20, 2023.

Ang mga barangay na apektado ay mga barangay ng San Agapito, San Agustin Kanluran at San Antonio, Isla Verde, Batangas City.

Tatlong water samples ang kinuha upang masuri ang kalidad ng tubig o lebel ng kontaminasyon ng langis sa bahaging iyon ng katubigan ng Isla Verde. Ang PGENRO BEL ay nagtalaga ng mga sampling stations sa tapat ng Monte Maria, tapat ng Surface Interval Resort at sa tabing dagat ng San Agapito.

Walang naobserbahang langis sa katubigan habang kumukuha ng “water samples”. Bagaman wala amoy kaugnay ng oil spill sa lugar, may mga “oil slick” na nakita sa baybayin na nakadikit sa buhangin at bato. Gayundin, ang PCG, mga miyembro ng Bantay Dagat at mga opisyal at residente ng mga nabanggit na mga barangay ay nagtulong-tulong upang makuha ang mga bato at buhangin na kontaminado ng langis. Mayroong limang timba (16L capacity) na pinaglagyan ng contaminated na bato at buhangin at isang timba na may lamang magkahalong langis at tubig. Ang mga kontaminadong tubig, bato at buhangin ay pansamantalang mananatili sa pangangalaga ng PCG hanggang ito ay maidispose sa tamang tapunan or DENR accredited Hazardous Waste Treatment Facility.

Ang pagsusuri ng water samples ay isasagawa sa loob ng isang linggo. Kung ang magiging resulta ng pagsusuri ay kontaminado ng langis ang tubig, ang PGENRO BEL ay magasasagawang muli ng water sampling katulong ang PCG, Bantay Dagat at mamamayan ng Isla Verde. Gayunpaman, ang resulta ay ipapadala kaagad sa Pamahalaang Panlungsod ng Batangas, mga opisyal ng tatlong nabanggit na mga barangay at iba pang mga kinauukulan para sa tama at agarang aksyon.

Rochelle Amboya (PGENRO) – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.