Water Quality Monitoring sa mga Marine Protected Areas ng Batangas Province, Isinasagawa

1st Quarter Meeting ng ABC Federation Presidents Isinagawa sa Kapitolyo
March 20, 2021
AGENCY PROCUREMENT COMPLIANCE AND PERFORMANCE INDICATORS 2021 (APCPI)
March 23, 2021

March 22, 2021

Fixing samples for DO analysis
The Team is preparing for going to MPA
Water sample bottle
Getting water sample in the MPA
Station 1. MPA Boundary in Mataas na Bayan
Station 2. Middle of MPA
Station 3. MPA Boundary near Sinisian East

Bilang bahagi ng monitoring at assessment ng mga marine protected areas (MPAs), nagsasagawa ang Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PGENRO) ng water sampling at on-site testing sa mga MPAs ng Lalawigan ng Batangas mula Pebrero hanggang Marso 2021.

Ayon kay PGENRO chief Luis Awitan, ang testing, gamit ang ilang mga piling parameters, ay kasalukuyang isinasagawa sa 54 na MPAs sa labingtatlong coastal localities ng lalawigan, kabilang ang Lemery, Bauan, San Luis, Calatagan, Batangas City, Nasugbu, Mabini, San Juan, Lobo, Lian, Balayan, Taal at Tingloy.

Kaakibat din ito ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng World Water Day 2021 noong ika-22 ng Marso. Hangad ng nasabing okasyon na maitaas ang kamalayan ng publiko sa pagpapahalaga sa tubig at sa umiiral na global water crisis.

Layunin ng testing na makakuha ng maaasahan at mapapakinabangan na impormasyon o database; matukoy ang kalidad ng tubig; masuri ang epekto ng mga gawain ng mga tao at pagbabago ng klima sa mga MPAs, alinsunod sa Water Quality Guidelines and General Effluent Standards na nakapaloob sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order No. 2016-08; at, matukoy ang mga posibleng pinanggagalingan at daanan ng mga pollutants o kontaminasyon.

Nauna nang nakakuha ng water samples sa 29 na mga MPAs at Mangrove Protected Areas sa mga Bayan ng Lemery, Bauan, San Luis, Calatagan, Nasugbu at Lobo mula Pebrero 17 hanggang March 12, 2021, katulong ang mga Pambayang Tanggapan ng Likas Yaman at Kapaligiran, Pambayang Tanggapan ng Agrikultura at mga Bantay Dagat.

Sunod namang kukuhanan ng water samples ang mga MPAs, No-Take Zones, Bird Sanctuaries at Marine Reserves sa San Juan, Batangas City, Lian, Balayan, Taal at Mabini.

Ang mga water samples ay sinusuri para sa Dissolved Oxygen, Fecal Coliforms, Nitrate, PH, Phosphate, Temperature at Total Suspended Solids. Ang resulta ay ipapadala sa mga pinagkunang bayan para sa kanilang kabatiran na magiging batayan naman sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa para mapanatiling pasok sa “standard” ang kalidad ng tubig sa mga MPAs. Sa pamamagitan nito, mapangalagaan ang mga marine resources na ang higit na nakikinabang ay mga mamamayan at mangingisda ng Lalawigan ng Batangas.

Kabilang ito sa mga programa at gawaing isinasagawa ng PG-ENRO, sa kabila ng umiiral na pandemya, at sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, upang mas maisulong ang pagpapanatili ng isang malusog, maayos at malinis na kapaligiran sa buong lalawigan, katuwang ang mga coastal Local Government Units (LGUs), mga miyembro ng academe, non-government organizations (NGOs), Peoples’ Organization (POs), national government agencies (NGAs) at mga pribadong samahan.

Batangas PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.