Special Recruitment Activity ng PACD-PESO, Muling Isinagawa para sa Mamamayang Batangueño
July 4, 2018
Hanapbuhay, Handog sa mga Batangueña
July 5, 2018

July 4, 2018

Isang workshop kung paano maging Vlogger, na pinamagatang “Introduction on How to Become a Vlogger” ang ginanap sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Capitol Compound, Batangas City noong ika- 4 ng Hulyo 2018.

Pangunahing layunin ng workshop ang makalinang at makaengganyo sa mga kalahok na gumawa ng video blogs o vlogs na nagtatampok sa mga tourist destinations ng Lalawigan ng Batangas, at maging ambassadors at ambassadress para sa turismo ng lalawigan.

Naisagawa ang workshop sa pagtutulungan ng PTCAO, sa pangunguna ni Provincial Tourism Head Atty. Sylvia Marasigan, at ng Star Tollway Corporation, sa pangangasiwa ni Marketing and Business Development Manager Tony B. Reyes, Jr.

Naging resource person si Ron Villagonzalo, isang freelancer at active vlogger mula sa Maynila, ang mga pangunahing bagay na dapat malaman sa pagsisimula na maging vlogger; ang mga kagamitan na kakailanganin; ang mga nilalaman o bahagi ng vlogs; at, kung paano kumita dito. Ibinahagi rin ng kilalang vlogger ang mga alituntunin sa vlogging at nagbahagi ng kanyang mga personal na mga kaalaman na maaaring magamit ng mga future vloggers.

Nagmula ang mga kalahok sa iba’t ibang unibersidad tulad ng First Asia Institute of Technology and Humanities, University of Batangas, STI at Lyceum of the Philippines University Batangas.

Ang mga kalahok ay binigyan ng assignment na magpasa ng travel vlog. – Maan Joy G. Saluta– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.