Visual Arts Exhibit ng Batangas Cultural and Arts Council, Binuksan sa Alitagtag

Ampalaya Cooking Challenge Isinasagawa
July 12, 2017
Mga Kabalikat sa Bawat Komunidad
July 12, 2017

July 12, 2017

Pormal na pinasimulan ang Visual Arts Exhibition, isang proyektong ng Batangas Culture and Arts Council na nakapailalim sa taunang programa nitong “Travelling Exhibit,” na ang layunin ay mapangalagaan at maitaguyod ang kasaysayan at kulturang pamana ng Lalawigan ng Batangas noong ika 10 ng Hulyo 2017.

Hangad ng mga organizers ng exhibition, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, na maitaas ang kamalayan at kaalaman ng mga Batangueño sa sining at kultura ng Lalawigan, maipamalas ang kakaibang tradisyon ng bayan ng San Juan sa pamamagitan ng pagpipinta, at magbukas ng pagkakataon sa komunidad na makibahagi sa mga gawaing pang sining.

Kabalikat ang Grupo Sining Batangueno, isang samahan ng mga Batangueño painters sa pangunguna ni Mr. Virgilio Cuizon, ang Visual Art Exhibition ay binuksan sa Annex Conference Room ng Pamahalaang Lokal ng Alitagtag noon ika-10 ng Hulyo, kasabay ang isang training at workshop para sa mga art teachers at mag-aaral sa nasabing bayan. Ang mga likhang sining ay bukas sa Alitagtag hanggang July 14, 2017.

Samantala, ang nasabing exhibit ay idi-display sa Mabini Shrine Function Hall sa Lungsod ng Tanauan sa July 18-23; sa bayan ng San Juan sa July 24; at sa ikalawang palapag ng Municipal Hall ng Taal sa August 2.

Inaanyayahan ang lahat na saksihan ang mga naggagandahang obra ng mga Batangueño painters sa mga nasabing lugar at petsa, at dumalo at matuto sa mga training at workshops. / Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.