Vegetable production training, isinagawa ng Prov’l. Agri Office

Batangas Provincial School Board nag-ulat
June 17, 2019
Batangueña Green Stallion MVP, magiging Lady Tigress na
June 17, 2019

June 17, 2019

Sa pagtutulungan ng Department of Agriculture – Region IV-A at Office of the Provincial Agriculturist, isang pagsasanay tungkol sa Package of Technology (POT) on Vegetable Production ang isinagawa noong ika-13 ng Hunyo 2019 sa Don Leon Nature Farm sa Brgy. Poctol, San Juan, Batangas.

35 na magsasaka ng gulay mula sa Batangas City, at mga Bayan ng Agoncillo, Bauan, Balete, Nasugbu at San Juan ang dumalo sa maghapong training.

Dito, ibinahagi ang mga gabay sa pagkilala at pamamahala sa mga peste at sakit ng gulay upang masugpo ang mga pesteng dumadapo sa sa mga pananim, gamit ang organikong pamamaraan, at itinuro ang tamang pamamaraan ng pag-ani at pagdadala ng mga ani sa mga pamilihan.

Naging resource speaker sa pagsasanay ang mga kawani ng Regional Crop Protection Center mula Los Baños, Laguna.

Ayon kay Engr. Pablito Balantac, Batangas Provincial Agriculturist, inaasahan maibabahagi ng mga dumalo sa mga kasamahan nilang magsasaka sa kani-kanilang mga bayan ang mga natutunan upang mapag-ibayo pa ang paggamit ng mga organikong pestesidyo at lumayo nang tuluyan sa mga kemikal na pamamaraan ng pagtatanim. – Bryan Louise N. Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.