Vaccination Rollout sa mga Edad 12-17 na may Comorbidity, Sinimulan na sa Lalawigan ng Batangas

Notice of Vacant Positions
October 29, 2021
REQUEST FOR QUOTATION – PURCHASE OF ANIMAL/ZOOLOGICAL SUPPLIES (DIDECYLDIMETHYLAMMONIUM COMPOUND, DISINFECTANT, FORMALDEHYDE + GLUTARALDEHYDE, BENZALKONIUM CI DISINFECTANT, ETC.) FOR USE IN THE DIFFERENT DISINFECTION SITE IN THE PROVINCE OF BATANGAS (DISINFECTION SITES AND AFFECTED AREAS
November 2, 2021

October 29, 2021

Pormal nang nagsimula sa Lalawigan ng Batangas ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang sa pamamagitan ng isinagawang launching at symbolic vaccination program noong ika-29 ng Oktubre 2021 na ginanap sa Batangas Medical Center sa Lungsod ng Batangas.

Sa pagbabakuna sa mga kabilang sa pediatric age group, bibigyang prayoridad muna ang may mga karamdaman o mga bata na may comorbidities upang matutukan at mabantayan ang mga posibleng allergies at side-effects.

Tanging Moderna at Pfizer vaccines pa lamang ang pinahihintulutang gamitin para sa pediatric population na pawang mayroong Emergency Use Authorization mula sa Philippine Food and Drug Administration.

Bukod dito, sa inaasahang pagpapalawig ng vaccination program sa mga menor de edad sa bansa sa buwan ng Nobyembre, ipinagbigay-alam ni Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, na bago magpabakuna, siguraduhin muna na may medical clearance mula sa doktor, informed consent ng magulang o guardian, at assent o pagpayag ng batang babakunahan.

Mahalaga rin aniya na makipag-ugnayan muna sa kinabibilangang lokal na pamahalaan kung tumatanggap na ng vaccine pre-registration para sa pediatric age group, higit lalo na nasa paunang phase pa lang ang lalawigan sa isinasagawang pagbabakuna.

Sa naging mensahe ni Governor DoDo Mandanas, pinasalamatan at kinilala niya ang mga magigiting na katuwang upang maipaganap ang pagbabakuna sa mga nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang na may medical complexity.

Ayon pa sa gobernador, hangad lamang ng inisyatibong ito na maging protektado ang mga kabataan at mapataas pa ang porsyento ng herd immunity o proteksyon ng komunidad laban sa sakit na COVID-19. Itinuturing nga, bukod sa pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards, na malaki rin ang naibibigay na proteksyon ng pagbabakuna.

Samantala, naging bahagi sa idinaos na pilot run ng bakunahan ang pamunuan ng Department of Health (DOH) – Center for Health Development CALABARZON, Batangas Provincial DOH, Batangas Provincial Health Office, Batangas City Health Office, at Batangas Medical Center.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO/
Photos: Macven Ocampo & Junjun de Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.