Vaccination Roll-out sa Lalawigan ng Batangas, Nagsimula Na

Pre-Disaster Risk Assessment, Evacuation Plan Isinagawa Dahil sa Banta ng Bulkang Taal
March 12, 2021
Batangas, Idineklara Bilang Lalawigan na may “Stable Internal Peace and Security”
March 12, 2021

March 12, 2021

Pinangunahan ng Provincial Health Office ang vaccination roll-out kontra COVID-19 para sa mga medical frontliners ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na ginanap sa Batangas Provincial Hospital sa Bayan ng Lemery noong ika-10 ng Marso 2021.

193 na mga medical workers ang nakalinyang mabigyan ng bakuna na kinabibilangan ng mga doctors, nurses at medical personnel.

Pinasimulan ang pagtuturok ng vaccine kay Dr. Jose Jessie Villanueva, chief ng Batangas Provincial Hospital, na kauna-unahang ospital ng pamahalaang panlalawigan na nakatanggap ng alokasyon ng mga bakunang Astra Zeneca at Sinovac.

Sa naging mensahe ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, Provincial Health Officer at Batangas Provincial Inter-Agency Task Force Co-Chairperson, hinihikayat niya ang bawat Batangueño na makiisa at magpalista upang magpabakuna.

“Kung mahal natin ang ating sarili, dapat mas mahal natin ang ating mga kasama sa tahanan,” hamon ni Dr. Ozaeta. “Kailangan natin ng proteksyon sapagkat andiyan pa ang virus, ang COVID19.”

Sa panayam kay Lemery Mayor Larry Alilio, nagpapasalamat ito sa pamahalaang panlalawigan, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, sa pagdating ng vaccine sa kanilang bayan. Aniya, napakalaking bagay nito sa mga mamamayan ng Lemery para maibsan ang takot at tuluyan ng malabanan ang sakit na COVID-19.

Dagdag pa ni Alilio na kagaya ng sinsabi ng gobernador, ito ay hindi sapilitan at hindi ipalalabas ng gobyerno ang bakuna kung hindi ito magiging lunas sa pandemya.

Dumalo rin sa vaccination roll-out sina IATF Incident Commander, Dr. Gerald Alday, Vice Governor Mark Leviste at 2nd District Board Member Arlene Magboo.

Junjun Hara De Chavez/Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.