Universal Health Care Law Forum, isinagawa sa Kapitolyo

438th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas, ipinagdiwang
December 9, 2019
7th Provincial Migrants Day Celebration, matagumpay na idinaos
December 11, 2019

December 10, 2019

Isang forum ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office, upang talakayin ang Universal Health Care (UHC) Law or Republic Act No. 11223 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-9 ng Disyembre 2019.

Pinag-usapan sa pagtitipon ang kapakanang pangkalusugan ng mga Batangueño, batay sa mga benepisyong maaaring matamasa ng mga ito mula sa mga provincial at district hospitals. Layunin ng batas na awtomatikong maitala ang bawat Filipino sa National Health Insurance Program upang matiyak ang abot-kamay at abot-kayang mga serbisyong pangkalusugan na naaangkop sa pangangailangan nila.

Naging pangunahing tagapagsalita dito si Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng Department of Health (DOH) Calabarzon, na ipinaliwanag ang mga serbisyong maaaring matanggap sa UHC. Ibinahagi naman ni Gov. DoDo Mandanas ang mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan upang maging maayos ang pagbibigay serbisyo sa kalusugan ng lalawigan.

“We would like to be the best hospital in Batangas Province,” ani Gov. Mandanas.

Naging bisita sa pagpupulong ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang mga Chiefs of Hospital ng mga panlalawigang pagamutan, mga alkade, bise-alkade, at mga miyembro ng sangguniang bayan ng iba’t-ibang local government units.

Nakiisa rin sa pagpupulong sina Vice Governor Mark Leviste, 2nd District Board Member Arlene Magboo, 3rd District Board Member Rudy Balba, 3rd District Board Member Joanna Corona, 4th District Board Member Jess De Veyra, 4th District Board Member JP Gozos, 5th District Board Member Arthur “Bart” Blanco, 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday, 6th District Board Member Bibong Mendoza at Bokal Willy Maliksi, ang pangulo ng Association of Barangay Captains ng Batangas Province.

Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.