Tulong Pinansyal, Ipinamahagi sa mga Iskolar ng Mandanas Administration

Notice of Vacant Positions
March 1, 2018
Notice of Vacant Positions
March 2, 2018

March 2, 2018

Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na proyekto upang makatulong sa mga mag-aaral, namahagi ng educational assistance ang Mandanas Administration sa unang batch ng mga iskolars para sa taong 2018 sa lalawigan ng Batangas noong ika-2 ng Marso 2018 sa Bulwagang Batangan, Capitol site, Batangas City.

Ito ay binubuo ng 8 paaralan kabilang ang Golden Gate Colleges, La Consolacion College of Tanauan, Batangas State University Alangilan Campus, STI Lipa, Philippine College of Aeronautics, BatStateU Lipa Campus, Lemery Colleges at STI Balayan.

Binigyang paglilinaw din ni Mrs. Merly Pasatiempo ng Scholarship Division na ang mga mag-aaral na may matrikulang mababa sa 5,000 piso ay makakatanggap ng halagang 3,000 piso samantalang ang may 5,000 piso matrikula pataas naman ay makatatanggap ng halagang 5,000 piso.

Ayon naman sa ilang mga estudyanteng nakatanggap ng assistance, malaking tulong ito para sa kanilang pag-aaral sapagkat bukod sa magagamit nila itong pangtustos sa mga bayarin sa eskwelahan ay isa rin itong kabawasan sa gastusin ng kanilang mga magulang.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Gov. Dodo Mandanas sa mga iskolars na bigyang pagpapahalaga ang kanilang pag-aaral at magsikap upang maabot ang kanilang mga pangarap. Dagdag pa niya, isa-isip at isa-puso ang mga benepisyo at tulong na kanilang natatanggap dahil laan ito para sa kanilang magandang kinabukasan. Almira M. Eje and Ma. Cecilei C. De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
10

Comments are closed.