Tulong Pinansyal Ipinabot sa mga Pamilyang Apektado ng Relokasyon sa San Juan

Batangueño Math Wizards, Namayagpag sa Ibang Bansa
October 2, 2018
Notice of Vacant Position
October 4, 2018

92 pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, na magagamit sa pagpapagawa ng kanilang bahay sa Sitio Balacbacan, sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan noong ika-2 ng Oktubre 2018. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

October 2, 2018

92 pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, na magagamit sa pagpapagawa ng kanilang bahay sa Sitio Balacbacan, sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan noong ika-2 ng Oktubre 2018. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Binigyan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng pinansiyal na ayuda ang mga apektadong pamilya na napaalis sa isinagawang demolisyon ng kanilang mga bahay na nakatirik sa isang pribadong lupain sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan noong ika-2 ng Oktubre 2018.

Taong 2014 nang magkaroon ng notipikasyon ng paglisan ang nasabing mga pamilya dahilan sa ang tinitirikang lote ng kanilang mga bahay ay sasailalim sa isang proyekto at magsasagawa ng demolisyon ng mga illegal na istraktura dito.

Sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Government of Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, tinipon ang mga apektadong pamilya sa San Juan Gym kung saan ang mga ito ay hinarap at taos pusong kinausap ng mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Batangas Governor Dodo Mandanas at San Juan Mayor Rodolfo Manalo.

Para sa kapakanan ng mga apektadong pamilya, bumili ng lote sa Sitio Balacbacan sa nabanggit ding barangay ang lokal na pamahalaan ng San Juan na paglilipatan ng mga ito.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 92 pamilya, mula sa 183 na nakatala, ang nakatanggap ng tulong pinansiyal na maaari nilang magamit sa pagpapagawa ng bahay sa Sitio Balacbacan.

Magkatuwang na ipinamahagi nina Gov. Mandanas at Mayor Manalo ang ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan na kinapapalooban ng halagang limang libong piso at sampung libong pisong halaga ng mga construction materials, kabilang ang semento at hollow blocks, na magagamit ng mga residente sa pagsasaayos ng kanilang tahanan. – Edwin. V. Zabarte, PIO Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.