Tulong Pinansiyal sa mga Apektado ng Lindol , Patuloy na Ipinamahagi

Kusina ng Kalinga Inilunsad, “Hunger Ends, Where Caring Begins”
June 1, 2017
119th Birthday ni Gov. Sanoy Leviste Minarkahan ng Batangas Capitol
June 2, 2017

June 1, 2017

Patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ang tulong pinansiyal sa mga naapektuhan ng lindol noong nakaraang buwan ng Abril na nag-mula sa bayan ng Mabini, Bauan at Tingloy.

Ang pamamahagi ng financial grants ay ginanap noong ika-22 ng Mayo sa Provincial Auditorium, Capitol Compound Batangas City.

Pinamunuan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang pamamahagi ng tulong kasama si Provincial Social Welfare and Development Officer Joy Montalbo at mga kawani ng Batangas Province Social Welfare and Development Office.

Ang tulong pinansiyal ay gagamitin ng mga apektadong pamilya sa pagkumpuni ng kanilang mga tahanan at iba pang ari-arian na sinira ng malakas na pagyanig.

May kabuuang 103 recipients ang tumanggap ng halagang nagmumula sa 10 libong piso hanggang apat na libong piso batay sa laki ng pinsalang tinamo o tinatawag na total and partially damage houses batay sa isinagawang Multi-Agency assessment na isingawa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ipinaalala ni Governor Mandanas sa mga tumanggap ng tulong, na hindi dapat natatapos ang paghahanda sa sakuna sa oras na maibalik na sa normal ang kanilang tahanan at pamumuhay. Bagkus umano ay lalong doblehin ang pag- iingat at pagiging alerto sa anumang oras bilang paghahanda sa anumang darating na disaster.

Ipinaabot din ni Governor Dodo na asahan ang mabilisang pagtugon at pagtulong ng Pamahalaang Panlalawigan at mga kabalikat nitong mga ahensya partikular ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction andManagement Office na walang tigil na naghahanda at naghahasa ng kakayahan at kapabilidad para tumugon sa anumang uri ng malawakang kalamidad at sakuna. / Edwin V. Zabarte BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.