Sangguniang Panlalawigan: “Bird Flu Free ang Lalawigan ng Batangas”
August 24, 2017
Batangueña, pambato ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen International 2017 sa China
August 24, 2017

August 24, 2017

Tinanggap ng labingtatlong (13) pamilyang nasunugan ang mga relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Social Weldfare and Development Office noong ika-24 ng Agosto 2017 sa Brgy. 4, Batangas City.

Nagmula ang naturang sunog sa sirang outlet ng isang bahay kubo na kaagaran namang ikinadamay ng tatlo pang bahay na karatig nito bandang alas onse ng gabi noong ika-22 ng Agosto 2017. Mabilis na tinupok ng apoy  ang mga bahayan na pawang  yari sa mga light materials.

Walang sinumang naulat na nasaktan sa naturang sunog, ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Batangas City pero tinatayang nasa dalawang-daang (PhP 200,000) libong piso ang halaga ng mga nasirang gamit.
Naglalaman ang bawat kahon ng mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya gaya ng noodles, de-lata, bigas, aroz caldo, kumot at banig.

Malaki naman ang pasasalamat ng kapitan ng barangay na si Pangulong Russel Villena para sa sunod sunod na tulong sa kanyang mga nasasakupan. Kasamang namigay ng tulong si Cris Ramos, Executive Assistant ng Office of the Provincial Governor.  Nag-abot din ng personal na tulong sina 5th District Board Member Claudette Ambida – Alday at Bokal Bart Blanco. Jhay Jhay Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.