Tree Planting Activity Sa Montemaria

DA nag-turn over ng Agri Equipment sa Batangas Capitol
September 22, 2017
Natatanging mga Empleyado, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan
September 25, 2017

September 25, 2017

Magkakasamang itinanim ang isa sa mga endangered plant na Bagauak Morado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, at mga partners mula sa pribadong sector sa Tree Planting Activity sa palibot ng Mother of All Asia Peace Tower, sa Montemaria Shrine, Brgy. Pagkilatan, Batangas City noong ika-23 ng Setyembre 2017.

Layunin ng nasabing aktibidad na maisalba at mapanatili ang isa sa endangered species ng mga puno sa Pilipinas upang mapanatili ang biodiversity sa bansa. Isa din itong proyekto na nagbibigay alam sa madla upang matuto na magpreserba at pangalagaan ang mga halama’t puno sa ating kapaligiran, na tumatalima naman sa proyekto ng Department of Environment and Natural Resources.

Kasamang nagpakita ng suporta sina Provincial Agriculture Department Head, Engr. Pablito Balantac; Provincial Government Environment and Natural Resources Office Department Head, Luis Awitan; mga miyembro ng Batangas Provincial Police Office; barangay officials; at mga opisyales ng First Gen, Energy Development Corporation, FHP at ang environmental organization na BINHI.

Ang mga proyektong tulad nito ay buong pusong sinusuportahan ni Gov. Mandanas sapagkat alam ng gobernador na ito ay makakatulong sa kapaligiran at makakapagpaganda higit sa lahat sa ating lalawigan. JJ Pascua – PIO Capitol Batangas

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.