August 27, 2024
Pinangunahan ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) ang isinagawang Lingguhang Pagbibigay-Pugay sa Watawat ng Pilipinas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ngayong araw ng Martes, ika-27 ng Agosto 2024, sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.
Kasunod nito, binigyang pagkilala sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Public Employment and Youth & Sports Development (PACPEYSDO) ang “Project Barako” mula sa Bayan ng Ibaan na nagwagi sa 21st Search for Ten Accomplished Youth Organizations ng TAYO Awards Foundation noong ika-19 ng Agosto 2024.
Ang Project Barako ay isang organisasyon na naglalayong itaguyod at pangalagaan ang pamana ng kultura sa pamamagitan ng visual arts. Ang kanilang proyektong “Barako Youth Art: Pintang Kape para sa Sining at Kultura” ay isang kombinasyon ng libreng mga art workshops para sa mga bata at coffee painting exhibits na nagpapakita ng lokal na kasaysayan at pamana gamit ang kapeng Barako.
Samantala, kinilala rin ng Kapitolyo ang mga Batangueñong nagpamalas ng galing sa iba’t-ibang larangan at nagkamit ng mga karangalan, kabilang sina Lhei Caryle Rodriguez (National Festival of Talents: Chinese Mandarin Writing Contest-Champion); Brianne Raphaelle Mae Dela Luna (Dance Competition-U12 Ballet-Gold Award); Eleyna Louize Hernandez (Semi-Finalist-Silver Medalist, Spokes Modeling – Division Champion, Swim Wear – Bronze Medalist); Paul Gabriel Castro (Keep Grinding Classic 2024 Men’s Physique Novice-Overall Champion); Trisha Dela Cueva (World Mathematics Invitational-Gold Medalist); Kristen Ambriel Aguila (Team and Mixed Pair Poomsae- Gold Medalist); Josh Rafael Agunod (World Mathematics Invitational- Bronze Medalist) at Dave Mathew Lucido (National Basketball League Philippines:Kabataan Season 3 National Finals – First Runner-Up).
Ipinakita rin ng PTO, sa pangunguna ni Provincial Treasurer Puring Lat, ang kanilang mga naging Gawain at accomplishments nitong mga nagdaang buwan.
Kasama sa mga nakiisa sa flag ceremony sina 1st District Board Member (BM) Armie Bausas, 1st District BM JunJun Rosales, 3rd District BM Fred Corona, 6th District BM Lydio Lopez, 2nd District BM Arlene Magboo, AnaKalusugan Partylist Congressman Rey Florence Reyes at Provincial Administrator Wilfredo Racelis.
Hindi nakadalo ng personal si Gov. Hermilando Mandanas sa lingguhang pagtitipon dahil pinangunahan niya ang pagdiriwang ng ika-45 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Laurel District Hospital sa Lungsod ng Tanauan.
Jayne Elarmo-Ylagan – Batangas Capitol PIO