Transformation and Renovation ng Samahang Batangueña Building, Uumpisahan na

MRI & Psychiatry Building ng BatMC, Pinasinayaan
July 6, 2017
Notice of Vacant Positions
July 11, 2017

July 10, 2017

Pormal na pinasimulan ang Transformation at Renovation ng Samahang Batangueña Building sa Capitol Compound noong ika-7 ng Hulyo 2017 upang ito ay isaayos at muling buhayin.

Taong 1998, sa unang termino ni Gov. Dodo Mandanas, itinatag ang gusali sa pamumuno ng dating presidente ng Samahang Batangueña na si Mrs. Rosario Apacible. Makaraan ang ilang taon ay nagsilbi itong bodega. Kaya ipinasya ng samahan na muli itong magamit ng samahan sa kanilang mga aktibidad.

Ang proyektong pagsasa-ayos ng gusali ay mula sa pagsasama-samang pagkukusa ng Samahang Batangueña, sa pamumuno ni Atty. Gina Reyes – Mandanas. Sinuportahan naman ito ng buong puso ni Batangas Gov. Dodo Mandanas.

Magiging kaganapan ang lahat ng mga napaplanong pagpapaganda ng gusali, sa tulong ng Provincial Engineer’s Office, sa pamumuno ni Engr. Gilbert Gatdula. Kasamang dumalo sa seremonya sina 6th District Sr. Board Member Wheng Sombrano-Africa at 3rd District BM Devs Balba.

Naging kapanapanabik ang nasabing seremonya nang ipakita ang proposed interiors ng gusali, na masusing tinaluti ng mga kasapi ng samahan.

Ang Samahang Batangueña ay isang organisasyon ng mga kababaihang taga Batangas na itinatag noong 1998 na may hangarin na makatulong at makapaglingkod sa mga kababaihan. Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.