Trabahong Local at Overseas, Muling Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Notice of Vacant Position
September 24, 2018
Invitation to Bid
September 25, 2018

Trabaho para sa mga Batangueño. Halos isang libong mga aplikante ang nag apply ng trabaho sa tatlong araw na Local and Overseas Job Fair na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) – Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong ika-18 hanggang ika-20 ng September 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: PACD-PESO – Batangas Capitol PIO

Upang patuloy na makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayang Batangueño, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) – Public Employment Service Office (PESO), ng tatlong araw na Local and Overseas Job Fair katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong ika-18 hanggang ika-20 ng September 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Nakilahok sa nasabing job fair ang 30 registered local companies at 14 na licensed recruitment agencies. Halos isang libong aplikante ang nagtungo sa Kapitolyo para sa nasabing job fair; habang 79 na mga kuwalipikadong aplikante ang natanggap noong araw ding iyon ng kanilang pag-aapply ng trabaho. – Shelly Umali, Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.