Techno Gabay Program Summit 2019, ginanap sa Lalawigan ng Batangas

Techno-Gabay Program Summit delegates nag-socialize sa Governor’s Night
November 22, 2019
Marine biologist na nakatuklas na Verde Island Passage ang sentro ng marine shorefish biodiversity sa mundo, bumisita sa Kapitolyo
November 25, 2019

November 25, 2019

MOA para sa implementasyon ng TGP sa probinsya, nilagdaan ng Batangas Capitol, BSU, at ATI IV-A

Muling nagsama-sama ang iba’t-ibang indibidwal na kabilang sa sektor ng agrikultura mula sa CALABARZON region sa ginanap na Techno Gabay Program (TGP) Summit 2019 noong ika-21 hanggang ika-22 ng Nobyembre upang kilalanin ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka na makatutulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng nasabing sektor hindi lamang sa rehiyon kung hindi pati na rin sa buong bansa.

Ngayong taon, ang TGP Summit 2019 ay magkabalikat na isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institue IV – A (ATI), Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Batangas, at Batangas State University (BSU), kung saan ito ang institusyong nagsilbing host sa naturang pagtitipon.

Sa gabay ng temang “Makabagong Teknolohiya sa Pagsasaka, Kahandaan sa Pagbabago ng Klima”, layunin ng dalawang araw na summit na mapabilis ang modernisasyon sa pamamagitan ng paglinang sa mga pamamaraan ng bawat magsasaka at mangingisda pagdating sa paggamit at pagsasaliksik ng makabagong impormasyon at teknolohiya bilang isang mahalagang input sa larangan ng agrikultura.

Kaugnay nito, isinagawa sa unang araw ang paglagda ng Memorandum of Agreement para sa pagyakap ng probinsya sa implementasyon ng Techno Gabay Program kung saan ito ang magsisilbing gabay at magpapagaan sa pagbabahagi ng kaalaman na magagamit ng mga magsasaka gayun din ng mga extension workers.

Sa naging mensahe ni Governor DoDo Mandanas winika nito na dapat ay sama-sama at nagkakaisa ang lahat upang mapanatili ang kagalingan sa larangan ng agrikultura, maisulong ang buhay na maging malusog at masagana, kabalikat nito ang pagiging tapat aniya sa bandila bilang isang maka-Diyos at may malasakit sa kapwa.

Bahagi rin sa unang araw ng summit ang farmers’ forum na kinatampukan ng mga paksang tumatalakay sa Weather and Climate Information in Agriculture, at Break-Out Session na pinag-usapan ang tungkol sa Rice Technologies, Integrated Farming, at Climate Smart Facility.

Ginanap naman sa Dalubhasaan Building sa Provincial Sports Complex, Batangas City ang Governor’s night para sa ilang mga inspirational messages, kasiyahan, at socialization.

Samantala, naging tampok naman na aktibidad sa ikalawang araw ng TGP Summit 2019 ang presentation of accomplishments at pagbibigay parangal sa mga Outstanding Magsasaka Siyentista at Outstanding Farmers Information Technology Services o FITS Center na idinaos sa Office of the City Veterinarian and Agricultural Service o OCVAS sa may Bolbok, Batangas City.

Sa dalawang araw na summit, nagkaroon din ng pagkakataon ang iba’t-ibang probinsya sa rehiyon na maipakita ang kani-kanilang ipinagmamalaking produkto sa Product and Services Booth Exhibit sa loob ng BSU Main Campus na pormal na binuksan sa pamamagitan ng simbolikong ribbon cutting sa pangunguna ni Governor Mandanas, Executive Assistant Ms. Merlita S. Pasatiempo, Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac, ATI Information Services Division Chief Ms. Antonieta J. Arceo, at ATI IV-A Center Director Ms. Marites Piamonte-Cosico.

Mark Jonathan M. Macaraig , Photo: Eric Arellano and Jenny Asilo-Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.