TB-Free Island Initiative ng DOH CALABARZON, inumpisahan sa Tingloy, Batangas

Mandanas School Building, pinasinayaan sa San Roque, Bauan
May 7, 2019
Sepulturero, nagwaging “primera konsehal” sa Bayan ng Taal
May 14, 2019

May 8, 2019

Pormal na inilunsad ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang Tuberculosis-Free Island Initiative sa Municipal Covered Court ng Barangay 15 sa Island Municipality ng Tingloy, Batangas noong ika-2 ng Mayo 2019.

“We have chosen to start the project at Tingloy because it is one of the areas in CALABARZON, where cases of tuberculosis are high and continue to increase,” pahayag ni Department of Health (DOH) CALABARZON Director, Dr. Eduardo C. Janairo sa kaniyang mensahe.

Binansagan bilang “TANGLAW” o “TB Agapan, Ngayon Lunasan at Wakasan”, ang proyektong ito ay may layuning hanapin, gamutin, pigilan at sugpuin ang kaso ng tuberculosis sa mga island municipalities ng rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat at mabilisang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan upang makamit ang zero-catastrophic cost.

Naging sentro sa aktibidad ang simbolikong pagsisindi ng Torch of Unity, kung saan naging kaisa si DOH Assistant Secretary, Maria Francia M. Laxamana at ilang mga lokal na opisyales.

Ayon kay Janairo, bukod sa Bayan ng Tingloy, isasama rin nila ang Bayan ng Mabini, Batangas dahil ito ang entry point ng mga tao at isa rin itong factor na maaaring panggalingan ng TB transmission. Batay sa datos ng DOH, mayroong 69 TB positive patients sa isla ng Tingloy at karagdagang 21 positive cases na naitala noong Enero hanggang ika-30 ng Abril ng taong ito.

Ikinatuwa ni Dr. Rosalie Masangkay, Provincial Health Officer I ng Provincial Health Office (PHO), ang programa sapagkat ito ay isang malaking katuparan sa kaniyang adbokasiya na mas mapabuti pa ang kalagayang pangkalusugan ng mga kababayan, hindi lamang sa naturang lugar, kung hindi pati na rin sa buong lalawigan. Naging katuwang din sa inisyatibo ang ilang mga doktor na bumubuo ng PHO Tuberculosis team, na kinabibilangan nina Dr. Josephine Gutierrez at Dr. Gerald Alday.

Samantala, nagkaroon naman ng tatlong araw na medical at surgical mission sa isla, na hatid ng PHO, kung saan nagsagawa ng random blood sugar (RBS) testing, body mass index (BMI) at blood pressure (BP) measurement, urinalysis, hemoglobin testing, newborn screening blood testing, circumcision, medical consultation, pregnancy check-up, at smoking cessation seminar. May dental services ding handog, sa pangunguna ni Dr. Dionisio Burog.

Bahagi rin ng programa ang pamamahagi ng multivamins sa mga kabataan, essential and maintenance medicines para sa mga katatandaan, dental and pregnancy kits, at assistive devices, tulad ng wheelchairs at crutches para naman sa mga Persons with Disabilities (PWDs). ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Dr. Rosalie Masangkay

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.