Tatag at Lakas ng mga Barako, Ipinamalas sa Ironman Triathlon

Notice of Vacant Position
June 14, 2018
4 na Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Binigyang Pagkilala
June 18, 2018

June 18, 2018

Mga Atletang Patunay ng husay ng Batangueño. Sa kauna-unahang 2018 Century Tuna Ironman Full Distance Triathlon sa Subic Bay, Zambales noong ika-3 ng Hunyo 2018, ipinakita ng mga Batangueñong Finishers ang kakayahang makipagsabayan sa mahigit 1,200 athletes mula sa 40 bansa. John Derick Ilagan | Photos by: Jhay Jhay Pascua and Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Labingtatlong Batangueño Triathletes ang kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, matapos maging Finishers sa naganap na 2018 Century Tuna Ironman Full Distance Triathlon na ginanap sa Subic Bay, Zambales noong ika-3 ng Hunyo 2018.

Ang nasabing triathlon ay isang serye ng iba’t-ibang long distance races, kabilang ang 3.8 KM Swimming, 180 KM Biking at 42.2 KM Running na naglalayong sukatin ang stamina at tatag ng katawan ng mga atletang kalahok. Ito ang kauna-unahang Ironman Full Distance Triathlon event na ginanap sa Pilipinas na nilahukan ng mahigit 1,200 athletes mula sa 47 mga bansa.

Sa libo-libong mga kalahok, ang mga Batangueño Finishers o nakakumpleto sa buong karera ay sina Almond Ray M. Baldovino, Allen A. Macaraig, Carlo Magnos Olmos, Charles Pamintuan, Jan Mark Estrada, Jay Jay Cantor, Jose Paulo Gonzales, Josef Nicole Olave, Juvinal John Racines, Karl Allen Flores, Ramil Ranario, Rommel Malleta, at Lemuel Mocorro. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.