Tapatan Kasama si DA Sec. Piñol, Ginawa sa Lipa, Batangas

1 Milyong Tilapia Fingerlings Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Mangingisda sa Laurel
August 3, 2017
Notice of Vacant Positions
August 3, 2017

August 3, 2017

Matiyagang naghintay ang mga kasapi ng iba’t ibang sangay ng national agencies at local governments units, kasama ang mga Batangueñong magsasaka at mangingisda, sa pagdating ni Department of Agriculture Secretary Manny E. Piñol sa Lungsod ng Lipa noong July 25, 2017.

Pinangunahan ni 6th District Sr. Board Member Wheng Africa, na kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga lokal na opisyal ng mga bayan, sa pagsalubong sa Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura. Inilahad ni Bokal Africa, na lubos ang kagalakan ng lalawigan dahil sa mga biyayang ihahatid ng kalihim sa mga magsasaka at mangingisda. Binigyan diin din ni Bokala na hindi kailanman nalimutan ng kalihim ang Lalawigan ng Batangas sa pagbibigay ng ayuda at mga proyekto na magpapaunlad sa larangan ng agriculture.

Pinangunahan ni Kalihim Piñol ang diyalogo sa mga mamamayan at tahasang sinabi ang lahat ng mga proyekto at programa sa ilalim ng kanyang pamumuno. Isa sa mga binigyan niya ng tuon ay ang pagpapayaman ng industriya ng gatas at paghahayupan tulad nga baka at kalabaw.

Ibinahagi ng kalihim na iisang posyento ng dairy requirements ng bansa ang nagagawa ng ating lokal na paghahayupan, samantalang 99% ang ating inaangkat pa sa ibang bansa. Tiniyak ni Piñol na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit sa 10% ng dairy requirements ng bansa ay manggagaling na sa loob ng Pilipinas sa pamamagitan ng municipal multiplier farms, na naglalayong maging sentro ang mga munisipyo sa pag-aalaga at pagpaparami ng hayop at produksyon ng gatas sa pakikipagtulungan ng mga magsasaka. Kaakibat ng programang ito ang pagkakaroon ng responsibilidad ng bawat magsasaka na pangalagaan at pagyamanin ang industriya ng paghahayupan.

Binanggit din ni Sec. Piñol na kailangang mapaunlad ang industriya na bawang sa bansa at wakasan ang monopolyo sa nasabing pangunahing produkto agrikultura na siyang nagkokontrol sa halaga nito sa merkado.

Sa programa ng kagawaran, binalangkas niya ang mga mahahalagang sangkap para makamtan ng bansa ang tunay na pagunlad sa laragan ng agrikultura. Isa rito ang teknolohiya na magbibigay ng makabagong kalaaman at paraan sa ating mga magsasaka at mangingisda. Nagkaloob si Piñol ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka at pag-aani.
Binuksan din nya ang mga isipan ng mga magsasaka na gumamit nga mga hybrid seeds na magiging mas produktibo at mas may mataas na kalidad. Nakasaad din sa programa na bukas ang tanggapan ng agrikultura sa lahat ng gustong mamuhunan at mapaunlad ang buhay sa pamamagitan ng pagsasaka o pangingisda. Sa mga tulong pinansiyal na maliit ang interest, mas magkakaroon ng mataas ng kumpiyansya ang mga magsasaka na mamuhunan at magkaraoon ng mas mataas na kita. Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.