Talento ng mga Magsasaka at Mangingisdang Batangueño, Angat sa Singing Contest

Invitation to Bid (Goods And Infra)
December 16, 2022
Pasiklaban ng Sayaw ng mga Batanguena Tampok sa Kapitolyo
December 20, 2022

December 20, 2022

ba

Sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), ang Farmers and Fisherfolks Singing Contest na ginanap noong ika-16 ng Disyembre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Katuwang ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, General Services Office, at Provincial Information Office, nilahukan ang naturang paligsahan ng may kabuuang siyam na mga Batangueñong magsasaka at mangingisda mula sa Lungsod ng Batangas at mga bayan ng Agoncillo, Alitagtag, Balete, Ibaan, San Pascual, at San Juan.

Mula sa mga kalahok na nagtagisan ng galing sa pagkanta, namayagpag ang kinatawan mula sa Barangay Tingga, Batangas City at miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) na si Ninya Rose Pagaduan bilang Champion, na nag-uwi ng sertipiko ng pagkilala at cash prize na nagkakahalaga ng ₱ 15,000.

1st runner-up naman ang representante mula sa Bayan ng San Nicolas at miyembro ng Sto. Niño RIC na si Jessa Beato, na nagkamit ng sertipiko at halagang ₱ 10,000, at 2nd runner-up ang mangingisda at kabilang sa Slipper Oyster Marketing na si Graciery Bonifacio ng Barangay Pinagbayanan, San Juan, na nakatanggap ng sertipiko at ₱ 5,000 cash prize.

Nakatanggap naman ng certificate of appreciation at consolation cash prize na ₱ 1,000 ang ibang mga sumali sa kompetisyon na kinabibilangan nina Oscar Oguera ng San Juan, Benito Bruce ng Agoncillo, Osmando Ramos ng Alitagtag, Rebecca Catibog ng Batangas City, Pacifico Belegal ng San Pascual, at Corazon Fruelda ng Ibaan.

Ang singing contest, na hatid ng OPAg, ay bahagi ng serye ng mga aktibidad na inilaan ng Kapitolyo para sa programang “Paskong Batangueño 2022,” na isinagawa pagkatapos ng Simbang Gabi. Nagpakita naman ng buong suporta sina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, at OPAg department head, Dr. Rodrigo Bautista sa mga talentadong magsasaka at mangingisda ng lalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig/with Reports and Photos from OPAg – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.