Sustainable Pig Farming patuloy na isinusulong sa Batangas

Mandanas IRA Petition, Kinatigan ng Korte Suprema IRA Shares ng LGUs Madadagdagan
July 5, 2018
Panalo ng IRA backpay sa SC, laban ng Pilipino, sa Pangunguna ng mga Batangueño
July 10, 2018

Farmers’ Field School on Sustainable Pig Farming Mass Launching. Dinaluhan ang Farmers’ Field School on Sustainable Pig Farming Mass Launching nina Governor Dodo I. Mandanas, Provincial Veterinarian Dr. Rommelito R. Marasigan (2nd from left), ATI-IV A Center Director Marites P. Cosico, Lobo Mayor Gaudioso R. Manalo (kanan), Alitagtag Mayor Anthony Francis Andal (2nd from right) at mga municipal agriculturists ng mga kalahok na bayan. Maan Joy G. Saluta | Photo by Mon – Batangas Capitol PIO

July 9, 2018

Sa ikalawang pagkakataon para sa 2018, muling inilunsad ang Farmer’s Field School on Sustainable Pig Farming (FFS-SPF) na pinangunahan ng Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A at Batangas Provincial Veterinary Office (ProVet) sa pakikipagtulungan sa ilang mga Municipal Agriculture Offices na ginanap noong ika-9 ng Hulyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang FFS-SPF ay naglalayong makapagbigay ng mga bagong kaalaman para sa mga backyard swine raisers ng limang bayan mula sa lalawigan ng Batangas kabilang ang Alitagtag, Lemery, San Juan, Calatagan, at Lobo. Nakatuon ang training sa mga hamon, isyu at updates sa pig farming kaugnay ng environment and climate change; at ang mga makabagong pamamaraan sa pagbababuyan.

Pinangunahan ni Senior Agriculturist Leneth N. Panganiban ang pagapapaliwanag ng mga magiging aktibidad ng nasabing training na tatakbo sa loob ng 20 linggo.

Isa din sa isinusulong ng ATI-IV A ay ang paggamit ng Organic at Natural Feeds na gawa sa iba’t ibang halaman na matatagpuan sa paligid gaya ng Malunggay, Ipil-Ipil, Madre de Cacao, Kangkong, Camote, Saluyot, Uray at iba pa.

Isasagawa ang FFS-SPF sa limang bayan na kasali sa programang ito na may tig-dadalawampu’t limang kalahok bawat isang munisipalidad at isasagawa ang kanilang training sa kanila mismong mga bayan at pangungunahan ng kani-kanilang Municipal Agriculture Offices.

Bahagi rin ng launching ang Pledge Commitment Signing, sa pagitan nina Governor Dodo Mandanas; Robenson Sale, na representative ng Vice Governor’s Office; Provincial Veterinarian Dr. Romelito R. Marasigan; ATI-IV A Center Director Marites P. Cosico; Lobo Mayor Gaudioso R. Manalo; Alitagtag Mayor Anthony Francis Andal; at mga municipal agriculturists ng mga kalahok na bayan. – John Derick Ilagan at Jean Alysa Guerra – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.