Supply ng Karne mula Batangas, Tiniyak Kahit may ECQ

RESOLUTION NO. 286 YEAR 2020 – ENCOURAGING HEALTH PROFESSIONALS, HEALTH PROVIDERS AND VOLUNTEERS AND HEALTH COMPANIES TO PROVIDE FREE PRIMARY CARE TELE-CONSULTATION OF ONLINE CONSULTATION IN TIME OF PUBLIC CRISIS
April 16, 2020
Teleconsultation, Contingency Planning sa Pagtatapos ng ECQ, Tinalakay sa IATF Batangas Province Meetings
April 20, 2020

April 18, 2020

ProVet Marasigan: Batangas Province Maidedeklara nang ASF-Free Muli

Sinisiguro ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na hindi maaapektuhan ng ipinatutupad na lockdown o ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang livestock industry ng lalawigan upang matiyak na may sapat na pagkain sa merkado.

At bilang pagtalima na rin sa social distancing, ipinatutupad na rin ng Provincial Veterinary Office ang online processing at issuance ng Veterinary Health Certificates at Shipping Permits na kailangan sa paglalabas at pagpapasok ng mga baboy, manok, baka, itlog at iba pang produktong pagkain sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, bukod sa skeletal force na patuloy na naglilingkod sa ating mga farmers, may mga nakatalaga umano silang mga tauhan na nasa Work From Home status at nakatutok sa pagpoproseso ng mga naturang mga online applications na pumapasok sa provetbatangas.wixsite.com.

Tiniyak din ni Dr. Marasigan na patuloy ang kanilang mahigpit na checkpoint operations sa 18 strategic entry at exit locations sa lalawigan. Ito umano ay upang masiguro na nanatiling ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang hog industry ng Batangas.

Masaya rin niyang ibinalita na pormal na deklarasyon na lamang ng Department of Agriculture ang kanilang hinihintay upang muling maipagmalaki na ASF-free ang Batangas. Matagal na umanong walang naitatalang kaso ng ASF sa Bayan ng Laurel, partikular sa barangay na nakapaloob sa 7-km radius, na isinailalim sa 30-araw na quarantine period, noong napa-ulat na nagkaroon ng kaso sa lugar.

Jhun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.