Suporta para sa mga Rural Health Units, Agri-sector sa Panahon ng Pandemya Pag-iibayuhin

Notice of Award – Purchase of 100 pieces Air Filter for Purifier for use of the General Services Office
April 23, 2021
Notice of Award – Collection, treatment and disposal of 89,285 kilos of pathological waste of the 12 District Hospitals and other facilities under the Provincial Government of Batangas
April 26, 2021

April 23, 2021

Sa kanyang mensahe sa harap ng pinagsamang pagpupulong ng Batangas Inter-Agency Task Force at Batangas Provincial Health Board noong ika-19 ng Abril 2021, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas ang epektibong pagpapaganap ng Integrated Health Management System at food security programs para sa mga Batangueño.

Kaugnay ito ng patuloy na pagpapalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga programa nito na nakatuon sa pagtugon sa mga problemang dulot ng COVID-19 pandemic sa lalawigan.

Nangunguna sa agenda ang pagbibigay suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga local government units (LGUs) sa pagpapatayo ng mga ito ng quarantine and isolation facilities sa kanilang mga bayan at lungsod, ganun din ang pagbibigay suporta sa administrasyon at operasyon ng mga ito.

Ang mga nasabing pasilidad ang magiging sentro ng operasyon sa mga pamayanan, kung saan makakatulong ng mga opiysal ng lalawigan ang local counterparts nito, partikular ang mga Baranggay Health Emergency Technicians (BHERT) at mga local health workers.

Mahalaga umano ang gagampanan ng mga itatayong pasilidad upang maiwasan ang home quarantine at pagsisiksikan sa ilang mga pribadong establisimyento na ginawang mga quarantine facilities, na nakitang dahilan ng malawakang pagkakahawahan sa mga komunidad.

Bilang lokal na kaagapay, magbibigay ang Kapitolyo ng essential health products, gamut at food subsidies sa mga Rural Health Units sa iba’t-ibang lokalidad sa lalawigan na kukunin naman sa laang 100 Milyong pisong pondo para dito .

Bukod sa pagtugon sa medikal na pangangailanagan, palalawakin din ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong farm equipment at food producing crops upang mapagtibay ang food security ng mga pamilyang Batangueño habang umiiral pa ang pandemya.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.