STI/HIV/AIDS Ordinance sa Lalawigan ng Batangas, ipinasa ng SP

41st National Disability Prevention Week Assembly, isinagawa sa bayan ng Malvar
November 18, 2019
Scholarship grants, muling ipinamahagi ng Kapitolyo
November 18, 2019

November 18, 2019

Sa harap ng higit na paglaganap at pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sexually transmitted infections (STI), human immunodeficiency virus (HIV) at Acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa bansa, ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang “The STI/HIV/AIDS Ordinance in the Province of Batangas” nitong ika-18 ng Nobyembre 2019 sa 20th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

Ang nasabing ordinansa, na iniakda nina 5th District Senior Board Member Claudette Ambida at 2nd District BM Arlina Magboo, ay alinsunod sa Republic Act No 11166 o Philippine HIV and Aids Policy Act of 2018, na nagsasaad na nararapat na ituring ang mga nasabing sakit bilang public concern na maaring makaapekto, hindi lamang sa pamumuhay ng mga taong mayroon nito, kundi maaari ring magdulot ng “wide-range social, political at economic repercussions.”

Committee on Laws, Rules and Ordinances Vice-chairperson

Committee on Health Sanitation Chairperson

Sa pamamagitan ng ordinansa, hangad na mapaigting ang mga polisiya at programa upang matiyak ang mga karapata ng mga STI/HIV/AIDS-infected persons ay naigagalang at hindi nalalabag. Kaakibat nito ang malawakang information dissemination at education sa publiko tungkol sa nasabing medical condition, nang sa gayon ay maiwasan ang diskriminasyon sa mga infected persons.

Ipapatupad rin ng pamahalaang panlalawigan ang positibong pagtugon at paghahangad na puksain ang mga kondisyon na nagpapalala sa pagkalat ng impeksyon sa HIV, gaya ng poverty, gender inequality, marginalization at ignorance; pagtataguyod ng safety at universal precautions kontra sa mga panganib na dala ng HIV; at pagkilala sa mga apektadong indibidwal, na may potensyal na maging katuwang sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa HIV/AIDS, gamit ang kanilang mga personal na karanasan upang bigyan ng babala ang publiko.

Magsasagawa rin ng information campaign para sa mga turista at transient visitors, compulsory STI/HIV/AIDS education, regular medical examination, media campaign on STI/HIV/AIDS prevention, at pagbibigay ng medical assistance.

Samantala, nakatakdang buuin ang Batangas STI/HIV/AIDS Council at Persons Living with HIV/AIDS Provincial Council, na inaasahang magiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay-ayuda sa mga apektadong indibidwal.

Marinela Jade M. Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.